Romnick Sarmenta, ibinahagi sa publiko na buntis na ang kaniyang nobya na si Barbara Ruaro

Halos dalawang taon na ang nakakalipas mula tuldukan ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista ang kanilang 19 year marriage. Nauwi man sa hiwalayan ang dalawa ay maayos na rin ang kanilang mga buhay ngayon kasabay ng pagpaplano nilang ituloy ang kanilang annulment. Nakahanap man ng bagong nobya ang aktor ay masaya naman raw si Harlene sa kani-kanilang mga desisyon sa buhay basta patuloy ang kanilang komunikasyon pagdating sa kanilang mga anak.

Image courtesy: Instagram/nicksarmenta



Sa katunayan, masayang ibinalita ni Romnick at ang kaniyang nobyang si Barbara Ruaro, isang indie actress, na siya ay nagdadalang tao ngayon. Hindi mapigilan ng dalawa ang kanilang labis na kasiyahan kung saan agad nila itong ibinahagi sa kani-kanilang social media accounts na siya namang ikinatuwa ng kanilang pamilya at ilang taga-suporta.

Image courtesy: Instagram/nicksarmenta
Image courtesy: Instagram/bieruaro
Image courtesy: Instagram/nicksarmenta

“Infinitely Blessed with your Affirmation. Iba ka Panginoon, maraming salamat po.”, caption ng 80’s heartthrob sa kaniyang Instagram post na nagpapakita ng larawan ng isang pregnancy test kit result.

Image courtesy: Instagram/nicksarmenta
Image courtesy: Instagram/nicksarmenta
Image courtesy: Instagram/nicksarmenta

Samantala, hindi rin nagpatalo ang aktres at agad ring ibinahagi sa social media ang kakaibang resulta na nakuha niya noong ika-11 ng Oktubre, taong kasalukuyan. Makikita sa nasabing larawan na ang isang pregnancy kit na mayroon itong dalawang linya at tila ba mayroong imahe ng krus na talaga namang ikinamangha ng mga netizens.

Image courtesy: Instagram/bieruaro
Image courtesy: Instagram/nicksarmenta

“Thank You, dear God, for the gift of life! The cross that appeared on my test and this miracles as a whole is Your loudest yet most comforting affirmation. I praise and thank you for my Nicko, as well as all our friends and families who have expressed and continue to show their love and undying support. See you on February, Little Bean”, ito ang inspiring caption ni Barbara ng ibahagi niya ang kaniyang positibong pregnancy test sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/bieruaro



Bago pa man ang balitang ito ay mayroon ng haka-haka ang publiko patungkol sa espesyal na relasyon ng dalawa ni Romnick at Barbara. Subalit nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo nagkaroon ng linaw ang lahat patungkol sa relasyon nina Romnick. Sila mismo ang naglabas ng kanilang mga larawan sa kaniyang Instagram account na may malalambing na mensahe para sa isa’t isa.

Image courtesy: Instagram/bieruaro
Image courtesy: Instagram/bieruaro
Image courtesy: Instagram/bieruaro

Sa ngayon ay nasa ika-limang buwan na ng pagbubuntis ang aktres at hindi halos maipaliwanag ang nararamdamang saya bilang isang bagong ina. Suportado naman siya nito ni Romnick sa lahat ng bagay at ipinapakita niya ang pagmamahal sa nobya hindi lamang sa kilos at gawa kundi pati na rin sa mga tula na kaniya mismong nilikha.

Image courtesy: Instagram/bieruaro
Image courtesy: Instagram/bieruaro

Hindi man gaanong nagbabahagi ng mga larawan si Romnick sa kaniyang Instagram account, mapapansin naman na masayang masaya na ito sa kaniyang buhay ngayon. Ang tanging importante sakaniya ay ang kasiyahan ng kaniyang mga anak at bagong pamilya.

Image courtesy: Instagram/bieruaro

Congrats, Romnick and Barbara!





Leave a Reply

Your email address will not be published.