Pagdating sa usapin ng paraan ng pananamit ng mga kababaihan, mainit ang batuhan ng opinyon ng bawat indibidwal ukol sa isyung ito. May iilan na hindi sang-ayon sa pananamit ng masyadong nagpapakita ng balat ng babae sapagkat para sa iilan ang katawan ng babae ay sagrado at dapat laging balot.


Ngunit para sa ilang mga indibidwal at kababaihan, taliwas ang kanilang opinyon sapagkat ayon sa kanila’y kahit ano pa ang isuot ng isang babae nararapat lamang na bigyan pa rin sila ng respeto.

Katulad na lamang ng pahayag ni Ms. Ivana Alawi, isang kilalang napakagandang model at madalas ang kaniyang kasuotan ay talagang nagpapakita ng malaporselanang balat at napakakinis na kutis.

Ayon kay Ms. Alawi, ilang beses na diumano siya nakaranas ng hindi kaaya-ayang karanasan na pambabastos sa kaniyang pagiging babae na kung saan ito’y kaniyang naranasan sa model events.

Nang nakuhanan ng panayam si Ivanan ng Kapamilya News Team, may ilang mga katanungan na binigay sa kaniya at ito’y direkta namang sinagot ng modela. Isa na rito ay nang tanungin siya ukol sa kaniyang opinyon patungkol sa Women’s Rights and Welfare.

Ang biglaang kasikatan ni Ivana ay dahilan ng kaniyang mga revealing na kasuotan na gumulantang sa mga madla na kung saan siya’y naging idolo nang husto. Narito ang pahayag ni Ivana, “Naranasan ko before, noong ako ay nagtatrabaho pa sa mga events at nagmomodela pa lamang ako.” “Nakaranas ako ng napakaraming hara$$ment at catcalling. Naranasan ko na may taong humahawak sa aking katawan na walang pahintulot mula sa akin. This is not right. Doon ako Palagi sa tama.”

Ayon kay Ms. Alawi, binigyang diin niya ang importansya ang pagbibigay ng respeto para sa kahit kaninong babae kahit ano pa man ang kasuotan nito o kasarian.

Lalong-lalo na ang mga babae, marapat lang na bigyan sila ng respeto at pagmamahal. Ang mga babae ay malalakas at nagbibigay ng buhay sa mundo kaya dapat sila’y nererespeto.