Kakaiba at talaga namang agaw-pansin ang isa sa mga sasakyan na naipundar ng aktor na si Jake Cuenca sapagkat bukod sa mamahalin ang kaniyang mga sasakyan ay siya mismo ang nagcustomize ng disenyo nito at mga parts nito.
Hindi man ito tulad ng tipikal na hinahangad ng karamihan na mamahaling sports car kagaya ng Porsche or Mercedes Benz ay marami pa ring mga netizens ang naging interesado dito lalo na at matagal na panahon rin ang iginugol ng aktor para mabuo ang ang kaniyang mamahaling sasakyan.

Naitampok nga ito sa Youtube channel ng aktor at kaibigan rin ni Jake na si Enchong Dee kung saan pinag-usapan nila ang mga bagay-bagay na patungkol sa nasabing sasakyan.

Ayon kay Jake ang modelo ng kotse na meron siya ay isang Jeep Wrangler Rubicon na “Call of Duty” edition dahil hango ang orihinal na disenyo nito sa video game.


Noon pa man ay hangad na ng aktor na magkaroon ng isang jeep dahil mas madalas niya itong magagamit kumpara sa ibang mamahaling sasakyan.

Isa pang dahilan ay ang kaniyang pagkahilig sa pagbuo at pagdidisenyo ng mga ito na nagiging bonding moment na rin ng kanilang pamilya dahil maging ang Ama nito at kaniyang mga kapatid ay hilig rin nila ang magcustomize ng kanilang mga sasakyan. Mula sa hood, bumper at tambutso ng sasakyan na ito ay ipinacustomize ng aktor dahil ang tema ng kaniyang disenyo ay red and black.


Proud na proud si Jake sa kaniyang Jeep car na ito sapagkat hindi lamang raw ito basta pinapalitan sapagkat kinakailangan pa niyang maghintay ng ilang buwan at taon para lamang dumating at ma-install ang customize parts ng kaniyang sasakyan. Kumbaga ito raw ay tila mala “painting art” na kaniyang unti unti kinukulayan hanggang sa matapos ang finish product. Sa katunayan, umabot ng dalawang taon mula ng i-customize niya ang sasakyan na ito.


Kung tatanungin naman ang presyo ng sasakyan ay aabot ito ng mahigit sa isang milyong piso!
“I don’t want to go into full details but the whole set would cost seven figures. Tapos there is one time may nag-offer to buy it. Tapos the one who wanted to buy it, wanted to buy it twice the price!” pagkukwento pa ni Jake.

Marami nga ang nagpapakita ng interest sa ganitong uri ng sasakyan kagaya na lamang ng ibang aktor na sina Zanjoe Marudo at Joseph Marco na nagtatanong ng ilang detalye kay Jake kung papaano rin sila makakabuo ng isang magarang Jeep.

Samantala, sa dami ng koleksiyon na sasakyan ni Jake Cuenca ay ibinenta na niya ang iba at nagtira na lamang ito ng tatlo. Ito ay ang Starex Van na ginagamit niya sa trabaho at taping, Chevrolet Suburban na isang luxury car at ang kaniyang maangas at magara na Jeep Wrangle na madalas niya gamitin dahil hindi ito maselan dalhin.


“My advice especially right now, during sa panahon natin,parang mas lalo nating kailangan maging praktikal, you go for something that’s good on gas…also you also have to ask yourself kung kaya ba ng budget mo yung maintenance at yung gas,” advice ng aktor para sa mga netizens na nais bumili ng bagong sasakyan.


Ayon sa aktor, mas mabuti na bumili ng brand new car kaysa sa secondhand lalo na kung ito ay pang-everyday use upang masiguro na hindi ito magkakaroon ng problema lalo na kung madalas gagamitin. Kaya naman para sa aktor ay sulit ang pagbili niya sa sasakyan na ito sapagkat wala pa siyang naging problema dito at hindi niya kailangangan ingatan ng todo sapagkat matibay at heavy duty ang build ng body ng sasakyan na ito na pwedeng pwede sa makikitid na daan sa Maynila at sa mga rough road sa tuwing ito ay aakyat ng bundok.