Halos katatapos lang ng Miss Universe Philippines 2020 at 2021 pageant kung saan nagtipon-tipon muli ang mga magagandang dilag mula sa iba’t ibang lugar sa ating bansa para magtagisan sa pagkamit ng korona. Pinangunahan ito ng dating beauty queen na si Shamcey Supsup nang siya ang hirangin bilang National Director ng Miss Universe Philippines Organization ngayong taon.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Kagaya ng ilan sa mga kalahok, nagmula rin sa isang payak na pamilya si Shamcey at sa kaniyang social media post nga ay ibinahagi nito kung papaano ang kaniyang buhay bilang probinsyana bago pa man siya pumasok sa mundo ng pageant.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
“Bag-o ko nibalhin sa manila, sa katanggawan gyud ko nidako…sa balay ang tao lang ako, akong papa ug auntie kay si mama OFW man (Bago ako lumuwas ng Manila, sa Katanggawan ako lumaki…ako lang ang tao sa bahay kasama sina papa at Auntie dahil si mama ay OFW).”, pagkukwento ni Shamcey sa wika na kaniyang nakasanayan habang nakatira sa probinsiya ng General Santos.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Bago pa man ito manirahan sa Maynila, lumaki siya sa isang barrio kung saan halos wala silang kapitbahay na malapit sa kanilang tahanan at ang pag-aaral at paglalaro sa labas kasama ang mga alagang manok at bibe ang kaniyang ginagawa sapagkat isang magsasaka ang kaniyang Tatay. Ito ang dahilan kung bakit umitim lalo ang kaniyang balat na siya namang ikinagagalit ng kaniyang ina sa tuwing umuuwi ito mula sa ibang bansa.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Kung siya ang tatanungin, mas gusto niya na mamalagi sa probinsiya lalo na at palagay siya sa mga tao na kaniyang nakakasalamuha at hindi rin siya ganoon kagaling sa pagsasalita ng tagalog. Ngunit nang ito ay mag-highschool, pinayuhan siya ng kaniyang ina na isang OFW na manirahan sa Maynila sapagkat doon na nagsimulang magtrabaho ang kaniyang ina sa syudad.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
“Tung nag highschool ko, gipabalhin ko ni mama sa manila kay diri man iya trabaho. Suko kaayo ko uy kay ganahan naman ko sa akong school sa MSU (Pinalipat ako ni mama sa Manila noong high school ako dahil dito na din siya nagtrabaho. Naiinis ako ng sobra kasi gusto sa dating school pa din ako mag-aral sa MSU.”, dagdag pa ni Shamcey.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Sunod-sunod ang pagbabago na nangyari sa kaniyang buhay nang manirahan sila sa Maynila. Nakapagtapos siya bilang salutatorian sa Makati High School at nakapasok sa pangarap niyang kolehiyo na Unibersidad ng Pilipinas.
Matapos nito ay nakahiligan niya ang pagsali sa mga pageant at ang kaniyang pagsisikap sa larangang ito ay nagbunga ng husto dahil siya ang nagdala ng bandera ng Pilipinas sa isinagawang Miss Universe 2011 at nakamit ang 3rd Runner Up na parangal.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
“Kaya tanan nga Promdi diha, ayaw mo maulaw o mahadlok kay world class pud mo, ako gani niabot sa universe (Kaya ang masasabi ko sa mga kapwa ko promdi, huwag kayong mahiya o matakot dahil pang world class kayo. Ako nga narating ko ang universe!),” payo ni Shamcey sa mga kapwa probinsiya.
Image courtesy: Instagram/supsupshamcey
Hindi nga maikakailang brain and beauty itong Shamcey na hanggang ngayon ay nagiging inspirasyon sa nakararami lalong-lalo na sa mga kababaihan sa probinsiya na mayroon ding pangarap na maging beauty queen.