Ito ang cute na Family Picture ng pamilya ni Carlo Aquino na kung saan sila ay naka-Halloween Costume

Naaalala mo pa ba ang aktor na si Carlo Aquino na talaga namang tumatak sa bawat Pilipino dahil sa pelikula niya kasama ang Star of all season na si Vilma Santos sa palabas noong 1998 na pinamagatang Bata, Bata Paano ka Ginawa. “Akala mo lang wala pero meron, meron , meron!” ang mga katagang tumatak sa bawat Pilipino na magpahanggang ngayon ay ginagamit pa din bilang isang reference sa iba’t ibang palabas.

Image courtesy: Trina Candaza/Instagram



Nito lamang nagdaang Nobyembre 1 kung saan ating pinagdiriwang ang araw ng mga patay kasabay ang kaugalian ng mga taga kanluran na nagdiriwang din ng tinatawag nating Halloween ay nag trending ang mga litrato na ibinahagi ng aktor.

Image courtesy: Trina Candaza/Instagram

Marami ang napahanga sa Vintage Halloween pictorial ng pamilya ni Carlo Aquino at asawa nitong si Trina Candaza kasama ang anak nila na si Enola Mithi Aquino, sa tulong ng Nice Print Photography ay isang napakagandang imahe ang kanilang nabuo ngayong selebrayon ng Halloween.

Image courtesy: Trina Candaza/Instagram



Sa mga litrato na mga ibinahagi ng aktor ay may kasamang kapsyon na hindi umano trip ng anak ni Carlo at Trina ang nangyaring pictorial. Maliban dito nagbahagi din ng iba pang litrato ang asawa ni Carlo na umani din ng iba’t ibang komento galing sa mga netizens.

Image courtesy: Trina Candaza/Instagram

Merong mga nagkomento nang pabiro na nagsasabi na sa edad ng anak ni Carlo at Trina ay may kakayahan na umano ito mambasag ng trip. Meron ding nagbigay ng komento patungkol naman sa anak ng mag-asawa na kahit ganun pa man na marunong mambasag ng trip ay bawi naman umano ito dahil sa cute at ganda ng anak ng mag-asawang Carlo at Trina.

Image courtesy: Trina Candaza/Instagram

Ang isa sa mga huling proyekto na nagawa ng aktor kasama ang dating kasintahan na si Angelica Panganiban ay ang Exes Baggage. Maliban dito pinagbidahan din niya ang mga pelikulang “Isa pa with Feellings” at “Ulan”.





Leave a Reply

Your email address will not be published.