Isang ganap na Binata na ang dating Goin’ Bulilit childstar na si Clarence Delgado

Naaalala mo pa ba ang isa sa mga cute at chubby na cast ng Goin Bulilit na si Clarence Delgado? Isa na siyang ganap na binata at sa kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga netizens dahil sa kanyang malaking pagbabago.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram



Unang nakilala ang Goin Bulilit star noong ito ay manalo sa Star Cricle Quest 2011 dahil sa kanyang napakagaling na talento sa pag-arte at dahil na din sa kanyang pagiging bibo ng mga panahon na iyon.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram

Kamakailan lamang ay nagpost ang dating Goin Bulilit star sa kanyang social media account ng kanyang mga selfies at madaming mga netizens ang nagulat at napahanga sa kanilang nakita dahil sa ngayon ay masasabi ng chubby no more na si Clarence Delgado. Isang matipuno at magandang lalaki na ang bumulaga sa mga netizens na talagang hindi sila makapaniwala.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram

Isa sa mga napansin ng mga netizens sa mga pagbabago ni Clarence ay ang kanyang pagpayat pati na din ang pagputi ng dating Goin Bulilit star. Marami din ang nabighani sa kanyang mas magandang hubog ng kanyang Jawline na talaga namang mapapasabi ka ng Mr. Gwapito.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram



Saad din ng iba pang mga netizens na kahit ano pa man ang suotin ng binata ay talaga namang mapapahanga ka dahil lahat ng mga ito ay babagay sa kanya. Marami din ang nagsasabi na sobrang laki ang pinagbago niya nang dumaan ito sa puberty stage.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram
Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram

Kung ating naalala, madami na ding nagampanan ang Goin Bulilit Star na si Clarence matapos nang siya ay manalo sa Star Circle Quest at isa na dito ang pagiging host sa isang programang pinamagatang Umagang Kay Ganda.

Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram
Image courtesy: Clarence Delgado/Instagram

Lumabas na din umano si Clarence sa mga ibang mga sikat na palabas kasama ang mga sikat na aktor at aktres tulad na lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padillla. Sa ngayon napapabalita na mayroong bagong proyekto ang aktor na talaga namang kaabang-abang dahil na din sa kanyang pagbabago at dahil na din sa kanyang talento sa pag-arte.





Leave a Reply

Your email address will not be published.