Ibinahagi ng Certified Plantita na si Ethel Booba ang mga pag-aari niya na mamahaling halaman

Ilang buwan na nga ba ang nakalipas simula ng ipatupad ang malawakang community quarantine? At naging mitsa ito ng pagiging mahilig sa halaman ng mga Pilipino para maibsan ang kalungkutan na kanilang nararamdaman dahil sa hindi na nila magawa ang mga bagay na dati nilang ginagawa.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram



Sa ngayon marami na ang mga tinaguriang Plantito at Plantita tulad na lamang ng asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee dahil sa mga halaman na kanyang pagmamay-ari.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Nito lamang nagdaang buwan ay meron na namang artista ang tinagurian ng mga netizens bilang isang Plantita dahil sa ganda ng mga halaman na kaniyang inaalagaan at ito ay walang iba kundi si Ethel Booba.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Noong una, nagsimula ang kanyang mga post tungkol sa pagluluto ng pagkain at pag-bake ng mga tinapay na talaga namang hinangaan ng maraming mga Netizens na nakasaksi.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Ngunit mas ginulat sila ng aktres na hindi lang pala pag-luluto at pag-bake ang kaniyang kayang gawin kundi ang pagpapalaki din ng mga halaman, kung kaya tinagurian din itong plantita ng mga Netizens.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram



Kasama ng mga litrato ng aktres ang isang kapsyon na bumabati ito ng magandang umaga sa kapwa niya mga plantito at plantita na umani ng maraming atensyon sa mga netizens na mahilig din sa halaman.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Sa isang litrato ng aktres ay kasama nito ang kanyang anak na babae na kung saan mapapansin sa kanyang likuran ang napakagandang tanawin ng mga halaman at isang litrato din na pinapakita ang kabuuang parte ng bahay niya na kung saan napapalibutan ng isang katutak na mga halaman na nag-gagandahan.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang positibong reaksyon sa naturang post ng aktres dahil sa ganda ng kanyang bahay at pati na rin ng mga halaman na kanyang inaalagaan.

Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram
Image courtesy: Ethyl Coyoca Gabison/Instagram

Ang mga bagay na ito ay isa lamang sa mga paraan upang maibsan ang lungkot at pangamba sa mga panahon na ito at sana kahit wala na ang pandemya ay patuloy pa din ang pagmamahal na ipinapakita at ibinibigay ng ating mga kababayan sa bawat isa at pati na rin sa mga halaman.





Leave a Reply

Your email address will not be published.