Kean Cipriano, ibinahagi ang hirap at pagod sa pag-aalaga ng mga bata kasabay ang pagta-trabaho sa bahay

Katulad ng ibang mga magulang, isa rin sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na hands on parents pagdating sa kanilang mga anak. Mula sa pag-aalaga, pagdidisiplina at pagpapalaki ng kanilang mga anak, mentally and physically present ang dalawa dahil nais nilang mapalaki ng mabuti ang mga ito.

Image courtesy: Instagram/kean



Subalit dahil ilang taong gulang pa lamang ang kanilang mga anak ay hindi rin daw madali ang pagiging hands on parents lalo na sa parte ng aktor na si Kean dahil madalas daw nagkakasabay ang kaniyang trabaho habang nagbabantay ng mga bata.

Image courtesy: Instagram/kean

Isang mabuting tatay si Kean sa kanilang mga anak subalit hindi maiiwasan na paminsan minsan ay napapagod rin daw ito at tila sumusuko dahil sa dami ng kaniyang ginagawa sa kaniyang buhay.

Sa lahat raw ng pagkakataon ay nais nitong maturuan at matutukan ang mga bata upang ma-guide niya ang mga ito subalit sa dami ng online meetings at business calls kasama na rin ng household chores ay tila may mga oras na sumisigaw na lamang raw ito sa kaniyang unan sa sobrang pagod at frustate sa dami ng kaniyang ginagawa.

Image courtesy: Instagram/kean
Image courtesy: Instagram/kean

“I’m always with my kids. Almost every minute ng araw ko kasama ko sila. Pag gising, pagtulog. Palit diaper, handa ng pagkain, papaliguan sila, magtatawanan, magkakainisan, manunuod ng tv, maglalaro, mag iiyakan, magsisigawan.



Tapos trabaho in between. Minsan sumisigaw nako sa unan sa sobrang pagod at pagka frustrate. Minsan para ka na ding robot.

Image courtesy: Instagram/kean

To be honest, sobrang nakakapagod maging magulang. Pero sobrang priceless at fulfilling. Saka ang sarap lang din kasi mahalin at alagaan ng mga batang to.

Alam kong sobrang bilis lang din ng panahon na mga bata pa sila at super clingy nila samin, kaya susulitin ko na.”

Ayon sa aktor, silang dalawa lamang ni Chynna ang nag-aalaga sa kanilang mga anak at wala silang mga househelpers pagdating sa pag-aalaga sa mga bata kaya naman proud na proud ito at nakakayanan ng kaniyang asawa ang lahat ng gawaing bahay at pagiging isang Nanay sa kanilang dalawang anak.

Image courtesy: Instagram/kean

Subalit kahit ano mang pagod at hirap na pinagdadaanan ng aktor ay madalas pa din daw siyang naghahanap ng oras upang maka-bonding ang mga bata dahil ito ang mga ala-ala na kanilang maibabaon hanggang sa kanilang pagtanda.

Kaya kahit minsan ay pagod na pagod na siya ay iniisip na lamang niya na kakaunti lamang ang oras sa mundo at mas importanteng ilaan ito sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Image courtesy: Instagram/kean

“Minsan akala natin, napakarami nating oras. Pero kung iisipin mo mabuti, mabilis lang talaga ang panahon. Dati, pag may napapanuod ako sa eksena sa tv o pelikula na may tatay tapos hindi niya pinapansin yung anak niya habang may business calls, sabi ko… ‘ay hindi ako magiging ganyan ever’.

Pero sa totoo lang ngayon… nagiging ako yung tatay na napapanood ko dati sa tv. Nakakaguilty pag hindi ko sila napapansin. Pero yun nga, kailangan syempre mag work… Hassle lang kasi yung dating ayoko maging, nagiging ako minsan.

Image courtesy: Instagram/kean

Kaya bawat oras ka na pwede sila makabonding, at makabawi, gagawin ko… Sa kapwa ko magulang, hanggat may oras at panahon, makipaglaro na tayo sakanila kasi before we know it, matanda na din sila at hindi na natin maibabalik yung mga oras na sana binigay natin sakanila.

Image courtesy: Instagram/kean

Kailangan natin ma-master ang tamang Workd-life balance… I think mas magiging efficient din tayo sa work kapag nabalanse natin yung oras sa pamilya. Mas magiging inspired tayo”

Image courtesy: Instagram/kean

Kaya naman payo ng aktor sa mga kagaya niyang magulang ay mas mabuti ng magkaroon ng balance life pagdating sa iyong trabaho at sa iyong mga mahal sa buhay.

Kahit nakakapagod at stressful ang pagiging isang magulang, lagi natin iisipin na fulfilling ang maipadama mo sa mga bata ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pakikipag-bonding sa mga ito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *