Hinangaan ng mga Netizens ang walang kupas na kagandahan ni Kristine Hermosa

Naalala mo pa ba ang isa sa mga hindi malilimutang teleserye na ating napanood noong 2000 hanggang 2002 na pinamagatang “Pangako Sayo”.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram



Isa lang naman ito sa mga serye na nagpakilig ng sobra sa ating mga magulang dahil sa sobrang hindi makapigil hininga na mga kaganapan at galing sa pag-arte ng dalawa nating paboritong artista at ito ay walang iba kundi sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Si Kristine Hermosa ay isa sa mga artistang sobrang hinangaan sa panahon na iyon dahil sa taglay nitong kagandahan at galing sa pag-arte na talaga namang hindi malilimutan.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Magpahanggang sa ngayon ay hindi pa din nauubusan ng surpresa ang dating artista sa kanyang mga pasabog dahil wala pa ding kupas ang kaniyang kagandahan. Marami pa din ang kanyang napapahanga at nagsasabi na parang hindi nagkakaedad ang dating aktres.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram



Kung ating matatandaan ay nagpakasal ang dating aktres sa aktor na si Oyo Sotto noong 2012 at simula noon tuluyan na talaga niyang nilisan ang mundo ng showbiz sa kadahilanang mas gusto niyang bigyang pansin ang pag-aalaga sa kanyang mga anak at pag-aasikaso sa kaniyang pamilya. Kasalukuyan ang mag-asawa ay biniyayaan ng apat na naggwagwapuhan at naggagandahang mga anak.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Hindi man aktibo ang aktres sa kanyang showbusiness life dahil mas pinili nito ang kanyang pamilya ay madalas pa din naman ito mag-post ng mga litrato sa kanyang social media account na kung saan kahit papaano ay nasusubaybayan pa din siya ng kaniyang mga tagahanga at pati na rin ang paglaki ng mga anak nito.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram
Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Mapapansin at makikita sa post na talaga namang isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak at asawa dahil siya mismo ang nag-aasikaso sa mga ito at mas pinili ng aktres na hindi kumuha ng kasambahay.

Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram
Image courtesy: Kristine Hermosa/Instagram

Hindi lang basta maganda ang aktres kundi isang huwarang ina at asawa pagdating sa kanyang pamilya.





Leave a Reply

Your email address will not be published.