Naalala mo pa ba ang isa sa mga matalino, maganda at komedyanteng artista na nagbigay ng kulay sa iyong buhay tuwing umaga? Ito ay walang iba kundi si Giselle Sanchez na tayong mga 90s kiddos ay hindi malilimutan ang kanyang mga ngiti sa programa na Siniskwela.

Marami sa atin ang nagtatanong na kung ano na nga ba ang ganap sa buhay ng paborito nating host na si ate Giselle ng Siniskwela.

Kamakailan lamang ay nag-diwang ng ika-20 anibersaryo ng pag-iisang dibdib si Giselle at kanyang asawa na si Emil Buencamino na kung saan nag desisyon ang dalawa na magpakasal muli.

Ito ay isang simbolo na wala talagang kupas ang pagmamahalan ng dalawa sa isa’t isa na talaga namang lubos na magpapakilig sa atin.

Nagdesisyon ang mag-asawa na isagawa ang kasal na ito sa simpleng pamamaraan at mag-donate na lamang sa Daughters of Saint Anne Convent para sa pagtanaw nila ng pasasalamat sa kanilang pagsasama.

Ang mga kaganapan na ito ay ating makikita sa social media post ng aktres na si Giselle Sanchez kung saan makikita ang mga litrato na may kasamang isang maiksing mensahe na magbibigay sa atin ng inspirasyon at pag-asa sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa ngayon.

Saad ng aktres na sa panahon ngayon ang ating kailangan ay pag-uunawa, pagmamahal, pagmamalasakit at pagtutulungan para sa ating kababayan upang malampasan natin ang mga pagsubok na ating nararanasan sa ngayon.

Sa isa pang post ng aktres ay pinasalamatan niya ang lahat ng tao na tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang kasal bilang isang paraan ng kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-20 anibersaryo.

Kung ating matatandaan ang aktres ay nagkuwento sa programang Umagang Kay Ganda kung paano sila nagkakilala ng kanyang asawa na si Emil Beuncamino at ito ay nagsimula sa simpleng paghiram niya ng camera.