Hindi naging madali ang pagsubok na naranasan ni Dimples Romana noong nagsisimula pa lamang itong mag-ipon para sa kaniyang mga pangarap sa buhay sapagkat wala itong gaanong naging proyekto sa showbiz noon.
Pero sa pagtiya-tiyaga at sa tulong ng dasal ay nabiyaaan ito ng napakaraming proyekto na siyang nagbigay ng oportunidad sa kaniyang buhay upang mabili niya ang kaniyang mga pangarap.

Sa katunayan, ibinahagi nito sa kaniyang social media account ang isang major life decision na kaniyang ginawa noon na talaga namang bumago sa kaniyang buhay.

Ayon sa aktres, ang pagbili ng isang lupa sa Alfonso Cavite ang isang major life decision na kaniyang ginawa noon sapagkat wala itong kasiguradahan na mababayaran niya ng buo ang lupa na ito.


“Meron na ako nung 350k and I said to my husband, Hon may pang down na ako sa bagong sasakyan. As I was browsing the classified ads, nakita ko yung binebenta na lupa sa Alfonso, Cavite nakalagay dun Farm Lot in Alfonso. Tapos sabi ko sa asawa ko hindi na ako bibili ng sasakyan yung lupa nalang ang bibilhin namin.”, pahayag ni Dimples.

Una pa lang ay talaga namang na-inlove na sa lugar ang aktres dahil maliban sa maaliwalas na simoy ng hangin ay napakarami ring puno sa kapaligiran. Nakapag-down nga sila para sa nasabing property ngunit medyo hindi palagay si Dimples sapagkat nag-aalala siya na baka hindi niya raw niya agad matapos bayaran ag lupa.

Sa kabutihang palad ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang kapwa aktor na si Tirso Cruz III. Dahil dito ay napalakas ang kaniyang loob at mas pinagbutihan pa ang pagtatrabaho upang makaipon ng pambayad nito.

“Alam mo Dimps, sobrang napakasipag mo Nak. Ang Diyos hindi yan natutulog, kapag alam niya na masipag ka at mayroon kang binabayaran, bibigyan ka niya ng maraming pagkakataon.”, payo ni Tirso kay Dimples.


Sadya ngang nag-dilang anghel ang aktor at sunod-sunod ang pagdating ng mga proyekto na ginawa ni Dimples sa kaniyang karera bilang artista at hindi niya namalayan na nabayaran na pala nila ng buo ang lupa. Ngayon ay mahigit sampung taon na nilang pagmamay-ari ang Farmland sa Alfonso, Cavite at umaani na sila ng iba’t ibang prutas at gulay mula rito.


“This is a piece of heaven…parang ang lapit-lapit ko kay Lord kapag nandito ako sa Alfonso. Like, maliban sa maaliwalas na simoy ng hangin ang daming masusustansiyang pagkain at mga prutas.”, dagdag pa ng aktres.



Maliban dito ay proud din si Dimples dahil ang lupa na nabili niya ay malapit lang sa Maynila at mas mababa ang kaso ng krimen at kahirapan dito kumpara sa siyudad.

Tila isang napakalaking leap of faith ang kaniyang ginawang desisyon dito at hanggang ngayon ay proud na proud ito at masaya na nanalig ito sa kaniyang sarili at sa Panginoon na tutulungan siya na makamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay.