Siya si Roxie Baeyens, ang Miss Earth Philippines Bet na nagbahagi ng kaniyang Darna Costume

Ipinagmalaki ng Miss Earth Philippines Bet ang kanyang gown na hango sa costume ni darna at ang kanyang costume na tinawag niyang Angel of Healing na mula sa isang karakter sa Mobile Legends.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram



Sa mga nagdaang mga patimpalak tulad ng Miss Earth at iba pa, ay madami na tayong nasaksihang iba’t-ibang uri ng gown at costume na talaga namang napapanganga tayo sa tuwing masaksihanan ang magagandang disenyong ito.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Tulad na lamang ng ating pambato sa Miss Earth na si Roxie Baeyens na taasang pinagmamalaki ang kanyang gown na hango sa costume ni darna at ang costume niya na tinawag na Angel of Healing. Madami sa mga nakasaksi sa suot na ito ni Roxie ang napahanga sa nagaganap pa lamang na Miss Earth 2020.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram
Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Makikita ang litrato na ito na pinost ni Roxie sa kanyang social media account. Ang photoshoot na ito ay kinuha lang kamakailan sa Thunderbird Resort na matatagpuan sa Poro, La Union.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram



Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Maliban sa maganda niyang gown ay kapansin-pansin din ang background ng litrato na hango sa Los Angeles Lamp at iba pang mga disenyo na nilagay doon na talaga namang bumagay sa kanyang suot. Ang gown na suot ni Roxie ay disenyo ni Rian Fernandez na isa din sa nag-disenyo sa gown na suot ni Miss Cambodia sa Miss Universe Noong 2018.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Saad ng ating pambato na pinili niyang batayan ang costume ni darna para sa kayang gown dahil si Darna ay isang simbolo sa mga kababaihan na handang lumaban para sa mga taong nangangailangan.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Maliban sa gown ni Roxie ay naging kahanga-hanga din ang kanyang costume na tinawag niyang Angel of Healing dahil nababagay umano ito sa nararanasan nating pandemya.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Pinagmalaki din niya ang costume na ito ay gawa sa mga bagay na akala natin hindi na mapapakinabangan tulad ng lumang gulong at tsinelas.

Image courtesy: Roxie Baeyens/Instagram

Pahayag pa ni Roxie na ang costume niyang ito ay hango sa isang character na kilala sa tawag na Rafaela sa larong Mobile Legends.





Leave a Reply

Your email address will not be published.