Rachelle Ann Go, ibinahagi ang itsura ng loob ng kaniyang bahay sa London

Matapos ang ilang taong pamamayagpag ng karera ni Rachelle Ann Go sa Pilipinas bilang isang Pinoy singer, napagdesisyunan nito na mamalagi na lamang sa London matapos siyang ikasal sa kaniyang asawa na si Martin Spies. Nakilala niya ito sa pamamagitan ng isang mutual friend at ikinasal sila dito sa Pilipinas sa isla ng Boracay noong taong 2018.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann



Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Sa kasalukuyan ay naninirahan ang mag-asawa sa nabili nilang bahay sa London at kahit nasa ibang bansa na ay patuloy pa rin ang komunikasyon ni Rachelle sa kaniyang mga fans sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng kaniyang mga social media posts.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Kamakailan nga lamang ay marami ang sumubaybay sa ginawa niyang Youtube vlog kung saan ipinasilip niya ang ilang parte ng kanilang bahay ni Martin sa London.

Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go

“I’m happy to be able to share with you our little house, here in London. Kahit malayo ako, nai-share ko pa rin ito sa inyo finally.”, pahayag ng singer.

Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go

Napakasimple lamang ng bahay ng aktres sa ibang bansa kung saan may pagka-minimalist at chic style ito gawa ng ito ang gustong tema ng aktres.

Sa labas pa lang ng bahay ay kapansin-pansin na ang pagiging maaliwalas ng lugar at sadyang nakakatuwang tingnan ang pinto nila na kulay ube habang ang paligid nito ay puting pader lamang na mas nagiging natural and minimalist ang look nito.

Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go
Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go



Maging ang kaniyang mga furnitures ay napakasimple lamang dahil ayon sa aktres ay hangga’t maari ay natural lamang ang kaniyang bibilhing kagamitan sa loob ng bahay upang hindi gaanong maging makalat ang loob nito.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann
Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go

Bawal din ang pagpasok ng mga sapatos at kinakailangan itong iwanan ng mga bisita sa ilalim ng upuang rattan saka magpapalit ng panloob na tsinelas upang mapanatili nito ang kalinisan ng loob ng kanilang bahay.

Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go

Samantala, isa sa mga kinahihiligang gawin ng singer ay ang pag-aalaga ng mga halaman na kung saan ay makikita ang mga ito sa bawat sulok ng loob ng kanilang tahanan.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Maliit lang ang ibabang espasyo ng bahay nina Rachelle, may kababaan ang bubong nito at mala-country house ang disenyo. Gayunpaman, nandoon na lahat ng kanilang kailangan magmula sa sala, kusina at lalagyan ng iba pa nilang gamit kaya hindi na nila kailangan pa ng napakalaking mansion.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann
Image courtesy: Instagram/gorachelleann
Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Sa katunayan, mayroon pang conservatory area ang mag-asawa na malapit sa kanilang dining area kung saan madalas silang mamalagi para magkape o di kaya naman ay magpahangin at magkasintahan. Katabi rin ito ng mumunti nilang hardin na sa ngayon ay wala pang gaanong tanim.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Ilan sa kapansin-pansing makikita sa bahay nina Rachelle at Martin ay ang mga Bible verse ba nakasulat sa pader ng kanilang kainan pati na rin ang kanilang refrigerator na ginagawa ring sulatan ni Martin kapag gusto niyang magpahayag ng matatamis na mensahe para sa asawa.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann

Mayroon pang ikalawang palapag ang bahay subalit hindi na muna ito ipinasilip ng aktres sapagkat hindi pa raw niya ito tuluyang nalilinisan. Ang overall look ng tahanan nina Rachel ay napakaganda at napakalinis tignan sapagkat simple lamang ang kanilang mga kagamitan na kung saan mas nagbigay ito ng maaliwalas na look sa kanilang bahay.

Image courtesy: Instagram/gorachelleann
Image courtesy: Instagram/gorachelleann
Image courtesy: Youtube/Rachelle Ann Go

Masaya ang aktres na napakasimple na lamang ng kaniyang buhay ngayon dahil mas nagagawa niya ang kaniyang mga nais gawin sa buhay kasabay ng pagaasikaso sa kaniyang asawa.





Leave a Reply

Your email address will not be published.