Masayang ipinagdiwang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang ika-limang taong kaarawan ng kanilang anak na si Zia

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa power couple na sina Dingdong at Marian na talaga namang mapapahinto ka sa pag scroll sa tuwing madadaan ito sa iyong social media sa kadahilanang napakagandang pagmasdan ang kanilang pamilya.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Dagdag pa dito ang kanilang bibo at napakagandang anak na babae na si Zia na talaga namang kinagigiliwan ng maraming mga tao.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Nito lamang nagdaang Nobyembre 23 ay masayang ipinagdiwang ng pamilyang Dantes ang kaarawan ng kanilang munting anghel na si Zia na nasaksihan ng maraming mga netizens.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Masayang ibinahagi ni Marian Rivera-Dantes ang mga litrato ng mga kaganapan sa kaarawan ng kanilang anak.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Kapansin-pansin ang magandang Cocomelon Theme sa birthday ni Zia na talaga namang nakarelate ang maraming mga mamshie.

Talaga namang makikita natin kung gaano kamahal ng mag-asawa si Zia dahil kahit nasa kalagitnaan tayo ng isang pandemya ay nakahanap pa din ng paraan sina Dingdong at Marian na ipagdiwang ang isa sa mga importanteng araw ng kanilang anak.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram



Sa post ng aktres ay mayroong kasamang kapsyon na bumabati ito ng maligayang kaarawan sa kanyang anak at ibinahagi din umano nito ang hiling ni Zia sa kanyang kaarawan.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Ang tanging gusto lamang niya ay ang magandang samahan sa kanilang pamilya, kaibigan at higit sa lahat malampasan na nating lahat ang pagsubok na ating nararanasan ngayon.

Image courtesy: Marian Rivera/Instagram

Nagpapasalamat din ang aktres dahil sa pagkakaroon ng magandang ugali ng kanyang anak na kung saan hindi lamang ang kanyang sarili lagi ang iniisip kundi pati na din ang kapakanan ng nakakarami.

Kung kaya nangako din ang kanyang ina na mananatili umano ito sa kanyang tabi upang suportahan siya at protektahan sa lahat ng bagay at mahalin hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Marami sa mga netizens ang naantig sa kanilang nabasa dahil sa murang edad ay kaya nito makapag-isip ng mga ganitong bagay at humanga din ang mga netizens sa todong suporta at pag mamahal nina Dingdong at Marian sa kanilang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *