Ibinahagi ni Ruffa Gutierez ang kaniyang naging bakasyon sa isla ng Boracay

Karamihan sa mga tao ay ugali na ang magbakasyon pagkatapos ng isang nakakapagod na mga trabaho at ito ay nagsisilbing gantimpala natin sa ating sarili upang maibsan ang stress at pagod.



Tulad na lamang ni Ruffa Gutierrez na nagdesisyon na magbakasyon ng bongga sa paraiso ng Boracay pagkatapos nitong gampanan ang kanyang mga tungkulin sa mga latest na proyekto nito tulad ng Love Thy Woman at House Arrest of Us.

Sa kanyang social media post makikita sa kanyang likuran ang napakalaking eroplano ng Air Asia na patungo sa Boracay. Sa post na ito ng aktres ay may kasama din itong kapsyon na nagsasabi na kailangan nating suportahan ang lokal na turismo sa ating bansa at bigyan ng reward ang ating sarili sa mga pagsusumikap natin sa ating trabaho.

Pagdating nito sa Boracay ay pinili ni Ruffa na manatili sa Crimson Resort & Spa sa Boaracay na kung saan ibinahagi niya ang napakagandang mga tanawin na kanyang kinunan dito.

Marami sa mga netizens ang nabighani sa ganda ng Boracay at dahil dito parang makakapagdesisyon ka ng wala sa oras na pumunta at mamasyal dito.



Maliban sa magandang tanawin ay nagbahagi din ang aktres ng kanyang napakagandang litrato na nakabikini habang nakaupo sa maputing buhangin na kung saan dumadampi ang napakalinaw na tubig dagat nito.

Sa isang post naman ni Ruffa Gutierrez ay makikita kasama din niya ang kanyang anak na babae na si Venice Bektas sa kanyang bakasyon sa Boracay.

Marami sa mga netizens ang humahanga sa kagandahang taglay ng anak ni Ruffa na si Venice tulad na lamang ng kanyang ina na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas.

Kung ating natatandaan na iniuwi ni Ruffa Gutierrez ang korona noong 1993 sa Binibining Pilipinas World at ito ay isa sa mga naging daan upang makilala siya sa larangan ng showbiz. Siya ay anak ng kilalang aktor na si Eddie Gutierrez at ang ina nito na si Annabelle Rama.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *