Anne Curtis, taas noong ipinakita ang kanyang magandang pangangatawan matapos manganak

Maraming nagsasabi na pagkatapos manganak ng isang babae ay mahihirapan na umano itong ibalik ang dati nitong pangangatawan.



Ngunit sa latest post na mga litrato ng aktres na si Anne Curtis ay ipinakita niya sa madlang pipol na hindi imposible na maibalik ang dating magandang hubog ng katawan matapos manganak.

Marami sa mga netizens na nakasaksi sa mga bagong litrato nito ng aktres na tila baga nagulat sa kadahilanan na parang hindi umano dumaan sa panganganak dahil sa ganda ng katawan nito.

Maliban sa mga taga-hanga ay meron ding mga artista ang nagulat sa transformation ni Anne tulad na lamang nina Andi Eigenmann at Jessy Mendiola na talaga namang nabighani at nagbigay ng kanilang pagbati sa bagong ina na si Anne Curtis.

Kung ating matatandaan, si Anne Curtis ay isa sa mga kilalang artista na talagang hinahangaan ng nakakarami simula noong bata pa ito dahil sa taglay nitong ganda at kabaitan. At siya ay parte din ng isang kilalang noon time show sa telebisyon na “It’s Showtime” na talaga namang sinusubaybayan at kinagigiliwan ng maraming mga Pilipino.



Si Anne Curtis at ang kanyang asawa na si Erwan Heussaf ay ikinasal noong 2017 at nito lamang taon na ito ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at ipinanganak nito ang kanilang isang napakagandang anghel na pinangalanan nilang Dahlia.

Madalas mag trending ang mag-asawang Erwan at Anne dahil nito lamang mga nagdaang mga buwan ay hindi mabilang ang mga naging usap-usapan tungkol sa kanilang dalawa.

Isa sa mga naging trending na pangyayari na kinabilangan ng aktres ay ang pagbibigay pugay nito sa mga Frontliners na handang magsilbi sa mga kapwa Pilipino upang malabanan ang pandemya na kinakaharap ng ating mundo.

Samantala ang kanyang asawa na si Erwan ay nag trending naman dahil sa pag share nito ng mga litrato at ginagawa ng kanilang anak na may mga kapsyon na talaga namang matatawa ka.





Leave a Reply

Your email address will not be published.