Julia Barretto, ipinasilip ang kaniyang Minimalist and Classy Walk-in-Closet

Sa unang pagkakataon ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto ang kaniyang minimalist walk in closet na matagal ng inaabangan ng kaniyang mga tagasuporta. Isa si Julia sa mga hinahangaan na aktres pagdating sa kaniyang fashion sense sapagkat simple lamang ang kaniyang mga isinusuot subalit nagiging mukhang classy o sosyal ang overall look nito.

Image courtesy: Julia Barretto/Instagram



Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Kaya naman para sa isang episode nito sa kaniyang youtube channel, ibinahagi niya ang itsura ng kaniyang walk in closet maging na rin ang kaniyang mga designer bags and shoes na kaniyang pinag-ipunan.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Simple lamang ang itsura ng kaniyang closet sapagkat ayon sa aktres ay ayaw raw nito ang masyadong makalat sa kaniyang bahay. Sa katunayan, lahat ng kaniyang mga kagamitan ay mayroong kaniya-kaniyang lalagyan at organizer upang hindi niya ito nakikita na nakakalat sa tuwing siya ay papasok ng kwarto.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Sa unang bahagi ng kaniyang closet tour, ipinakita nito ang kaniyang mga designer bags and purses na mamahalin subalit hindi rin karamihan sapagkat mas ninanais raw nito na mag-invest sa quality products kaysa sa mga mumurahin na mga bag.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube



Naka-save rin ito ng espasyo sapagkat hindi raw siya mahilig sa malalaking bag at halos maliit na purse lamang ang kaniyang binibili upang sa tuwing siya ay lalabas ay hindi na raw niya kailangan magdala pa ng napakaraming kagamitan

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Samantala, ibinahagi ng aktres na isa sa kaniyang pinag-ipunan at pinaghirapan na mabili ay ang kaniyang mga luxury high heels. Kwento kasi ng aktres, noong baguhan pa lamang ito sa industriya ay tila nalulungkot ito dahil ang kaniyang mga kasabayang mga kapwa aktres na kagaya niya ay mayroon ng mga designer shoes subalit siya ay ni isa wala pa raw itong nabibili para sa kaniyang sarili.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Kaya naman imbes na bumili ng mumurahing sapatos ay nag-ipon daw talaga ito upang balang araw ay makapunta sa Los Angeles at makabili ng kaniyang sariling luxury shoes.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Pagdating naman sa kaniyang wardrobe essentials ay simple lamang rin ito sapagkat halos shirts and jeans lamang ang laman ng kaniyang closet at kakaunti lamang ang kaniyang dresses at gowns.

Sapagkat sa tuwing ito raw ay nagsususot ng magarbong gown ay ibinabalik na niya ito agad sa designer at hindi na niya ito binibili pa sapagkat sayang lamang raw ang kaniyang pera dahil nasuot na niya ang mga ito.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Habang ang kaniyang pinagkakagastusan naman ay ang kaniyang mga perfume collection dahil mahilig raw ito sa perfume scents. Kaya sa tuwing siya ay pupunta ng mall ay tatlo tatlong piraso raw ang kaniyang binibili upang malaman kung anong klaseng pabango ang bagay sakaniya.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Lahat ng cabinets sa walk in closet ni Julia ay mayroong built in automatic lights at glass doors na tila ba parang ikaw ay nasa isang department store. Habang ang kaniyang mga jewelry collection naman ay nakadisplay sa kaniyang glass cabinet.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Hindi rin ito karamihan sapagkat hindi niya hilig ang mangolekta ng mga mamahaling alahas. Sa katunayan, iisa lamang ang kaniyang diamond earrings at Cartier bracelet na kaniyang pinaghirapang ipunan bago ito mabili.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Youtube

Sa ngayon ay hindi na raw ito masyadong namimili ng kaniyang mga kagamitan sapagkat wais na ito sa kaniyang spending habits dahil mas inuuna na raw nito ang kaniyang mga bills at pasahod sa kaniyang mga tauhan.

Image courtesy: Julia Barretto/Youtube
Image courtesy: Julia Barretto/Instagram

Marunong na si Julia pag-handle ng kaniyang expenses dahil nasa adulting stage na ito. Pero kahit gaano na kalayo ang kaniyang narating ay isang magandang katangian ng aktres ay ang pagiging down to earth nito sa lahat ng kaniyang natamo sa industriya.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *