Siya si Kat Ramnani, ang napakagandang asawa ni Christian Bautista

Sabi nga ng mga nakatatanda, ang pag-aasawa ay hindi minamadali! Kahit na matagal tayong mag-antay para sa taong makakasama at tinadhana sa atin para makasama habang buhay ay walang problema.

Image courtesy: Christian Bautista/Instagram



Ika nga, matagal man, sulit naman ang paghihintay. Ang isa sa pinakamasayang nararamdaman at mararamdaman ng isang tao ay ang makita at makasama niya ang taong itinadhana para sa kaniya habang buhay. At isa na si Christian Bautista na biniyayan ng swerte.

Napangasawa niya si Kat Ramnani, isang banyaga na nagmula sa Indonesia. Hindi lang maganda kundi matalino pa! Dahil si Kat Ramnani ay isang telecommuncations company executive! Sina Christian Bautista at Kat Ramnani ay ikinasal noong Nobyembre 17, 2018.

Image courtesy: Christian Bautista/Instagram

Para sa dalawang taong itinadhana at lubos na nagmamahalan ay talaga namang makikitaan ng saya at pag-ibig sa kanilang mga mata.

Sa araw ng kanilang kasal ay hindi mawawala ang mga kilala at bigating tao sa Pilipinas na kaibigan din ng singer na si Christian Bautista sa showbusiness industry, at ang mga ito ay sina sina Erik Santos, Sam Conception at Mark Bautista.

Image courtesy: Christian Bautista/Instagram



Hindi rin mawawala ang aktres na si Cris Villonco at si Christian Mark Jacobs na isang businessman at higit sa lahat ang sikat na si Cesca Litton.

Image courtesy: Christian Bautista/Instagram

Ang mag-asawang Bautista at Ramnani ay dalawang beses na ikinasal. Ang una ay sa sariling bansa ni Ramnani sa Bali, Indonesia at ang pangalawa ay sa Pilipinas na ginanap noong Disyembre.

Nagproposed ang singer kay Kat noong Octubre 30 sa Venice matapos ang dalawang taon nilang magkasintahan. Hindi maitatanggi ang kagandahan ni Kat Ramnani sa post ni Christian.

Image courtesy: Christian Bautista/Instagram

Maliban sa maganda nitong mukha ay hindi rin maitatanggi na talaga namang inlove na tunay si Christian sa mga napakagandang ngiti ng kaniyang asawa.

Totoo nga ang kasabihang kapag nahanap mo na ang taong iyong makakasama, ay hindi mawawala ang kilig at pag-iibigan sa inyong dalawa. Umani man ng samot saring komento ang post ni Christian Bautista. Walang ibang nasabi ang mga netizens kundi ang purihin ang kagandahan ng kaniyang asawa.





Leave a Reply

Your email address will not be published.