Ipinagdiwang nina Anne Curtis at Jasmine Curtis ang ika-60 na kaarawan ng kanilang Mommy Carmen

Ang ating ina ang ilaw ng tahanan at tanging tao na magbibigay sa atin ng buong-buo na pagkatao nila alang-alang sa kaniyang anak.

Image courtesy: Carmencita Ojales-cs/Instagram



Iyong sila dapat ang may malaking sweldo at tumatanggap ng bonus sa kadahilanan sila ang may pinakamahirap na trabaho sa lahat. Simula sa pag-gising hanggang sa pagtulog, sila ang pinakaabalang tao.

Image courtesy: Carmencita Ojales-cs/Instagram

Kaya naman lubos tayong nagpapasalamat sa ating ina. Sila ang palaging nandiyan upang gabayan tayo sa atin at handang ibigay ang lahat para sa kanilang mga anak. Kaya naman, lubos-lubos ang ibinabalik nating pagmamahal sa kanila lalo na sa pinakaespesyal na kaarawan nila, at ito ay ang pagsapit ng kanilang kaarawan.

Image courtesy: Carmencita Ojales-cs/Instagram

Kung kaya naman, tulad ng magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis, kanilang ipinagdiwang ang isa sa mahahalagang araw ng kanilang ina at ito ay kaniyang ang birthday.

Hindi hadlang ang layo o distansya ni Anne na sa ngayon ay nasa Australia kasama ang kaniyang asawa at anak sa kaniyang ina at kapatid upang hindi maipaabot nito ang kaniyang kagalakan at mensahe sa mahalagang araw ng kaniyang ina.

Image courtesy: Carmencita Ojales-cs/Instagram



Nagpaabot ito ng isang nakakaantig na mensahe para sa kaarawan ng kaniyang ina na ating makikita sa kaniyang social media account post na may pa-throwback picture pa ang aktres kasama ang kaniyang Mommy Carmen.

Image courtesy: Carmencita Ojales-cs/Instagram
Image courtesy: Anne Curtis-Smith/Instagram

Kung ating titingnan ang nasabing larawan, ay talaga namang kapansin-pansin ang ganda ni Mommy Carmen, kaya naman hindi maipagkakaila o maitatanggi kung saan nagmana ng kagandahan si Anne Curtis at Jasmine Curtis.

Maraming mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Mommy Carmen sa social media. Kung ating matatandaan na noong nakaraang taon na kaarawan ni Mommy Carmen ay sinurpresa siya ng kaniyang anak na si Anne na siya ay magiging isang lola na.

Ang ina ni Anne na si Mommy Carmencita Ojales ay isang Pilipina mula sa Bolinao, Pangasinan na ikinasal sa kaniyang amang si James Ernest Curtis-Smith na taga Australia at isang abogado noong 1982.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *