Lahat ng tao nais makaranas ng maganda at marangyang buhay. Ika nga, ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba.

Hindi naman lahat ng taong may marangya na buhay ay likas nang ipinanganak na mayaman, yung iba, nagsumikap upang makaahon at makalagpas sa hirap ng buhay.
Katulad na lamang ng boksingerong kampeon na si Manny Pacquiao at ngayon ay isang senador na alam naman natin na bago makamtan ang ganda ng buhay na tinatamasa niya ngayon at ng kaniyang pamilya ay namulat muna sa mundo ng kahirapan.

Iniwan ng ama, at kusang naghanap buhay upang may makain sila. Pero dahil sa pagsusumikap, determinasyon at inspirasyon ang kanilang kalagayan at sitwasyon sa buhay ay naging sikat at kilala sa buong mundo.

Ngunit nais ni Pacquiao na iparanas sa kaniyang mga anak ang hirap ng buhay. Sinabi niya na nais niyang itanim at isapuso sa kanyang mga anak ang halaga ng pagkakaroon ng kababaang-loob at pakikiramay sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman sa kanila na ang buhay ay hindi laging madali.

Bilang magulang ay nagpapasalamat si Pacquiao dahil napakasuwerte niyang lumaki ang kaniyang mga anak na masunurin at magalang.
Hindi naman maipagkakaila na talaga namang ang pamilya ni Pacquaio ay ang pamilyang pinapangarap ng lahat.

Nais ng mag-asawang Pacquiao na kahit na mayroon silang mga kasambahay, ay tiniyak parin nilang may alam sa gawaing bahay ang kanilang mga anak.

Ipinaranas din ng mag-asawa sa mga anak ang buhay na mayroon ang mga ordinaryong tao. Pinag-aral nila ang kanilang mga anak sa GenSan kung saan ang paaralang pinapasukan ay walang aircon sa loob ng dalawang taon.
Nagawa lamang ito ng mag-asawa, dahil nais nilang ituro sa mga anak na “Huwag maging matapobre.”

Kilala ang pamilya ni Manny Pacquiao sa pagiging MakaDiyos at matulungin sa kapwa. Kaya naman bilang magulang ay ipinagmamalaki niya ang kaniyang mga anak ay mababait, may respeto, at higit sa lahat may takot sa diyos.