“In reality i have pores, oiliness, fine lines” Catriona Gray, ibinahagi ang mukha nang walang make-up

Bihira lamang sa mga artista ang matapang na magpakita ng kanilang bare-face sa media sapagkat bago sila humarap sa camera ay sinisigurado nilang sila ay camera ready kung saan todo ayos ang kanilang buhok at make up na tila ba perfect ang kanilang skin.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray



Subalit kahit napakaganda ng kutis ng mga celebrities ay hindi maiiwasan na sa personal ay mayroon din silang flaws at imperfections.

Katulad na lamang ng beauty queen na si Catriona Gray na kamakailan lamang ay buong tapang na ibinahagi ang kaniyang totoong itsura ng walang halong make up o filter sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray

Kilala si Catriona bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya sapagkat kahit anong anggulo ay tila perfect ang looks nito.  Sa katotohanan ay hindi raw talaga picture perfect ang kaniyang balat sapagkat mayroon din itong mga impurities.

“Hiii just jumping on here with a bare faced selfie to remind you that even though in photoshoots, makeup and IG story filters, my skin looks “flawless”… in reality I have pores, oiliness, fine lines, breakouts, beauty spots and moles… and I’m perfectly fine with that.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray



Nakakaranas din daw ng acne breakouts si Catriona lalo na at kinakailangan nitong magsuot ng make-up sa tuwing siya ay mayroong shoot. Subalit hangga’t maaari ay ayaw daw nitong naglalagay ng kung anu-ano sa kaniyang mukha.

Kaya naman kung wala itong shoots at siya ay nasa bahay lamang ay hindi daw talaga siya naglalagay ng make-up upang makahinga ang kaniyang balat sa lahat ng produktong kaniyang ginagamit.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray

Kadalasan ang akala ng mga kabataan ay perfect ang skin ng mga artista kung kaya’t madali silang mahikayat na bumili ng skin products na wala naman talagang epekto o bagkus ay nagdudulot pa ng masamang epekto sa balat.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray

“This is just a kind, little reminder to remember that what we see online is a “curated feed”, and that we shouldn’t compare that to our everyday reality.”

Kaya naman ang tanging advise ni Catriona ay huwag masyadong magpapaniwala sa social media kung saan natin madalas naikukumpara ang ating mga sarili. Tandaan, walang perpektong tao kaya tayo ay maging proud kung ano man ang ating itsura.

Image courtesy: Instagram/catriona_gray
Image courtesy: Instagram/catriona_gray

Ang pagbabahagi nito ni Catriona ay isang magandang paalala sa mga kababaihan na ‘you are beautiful in your own way’ at hindi mo kailangan na gayahin ang sino man sapagkat ito ang realidad ng buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *