Cute na litrato ng anak nina Billy Crawford at Coleen Garcia ikinatuwa ng mga netizens

Marami sa atin ang natutuwa at namamangha sa tuwing nakakakita ng mga cute na litrato sa social media, ito man ay mapa-couple, iba’t ibang klase ng hayop, at mga super cute na mga tsikiting.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram



Sa tuwing nakikita at napapanuod natin sila ay hindi maiwasang mabigyan at magdala sila sa atin ng goodvibes na talaga namang malilimutan mo ang pagod na iyong nararamdaman at mapapalitan ito ng matatamis na ngiti sa ating mga labi.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Tulad na lamang ng litrato ng anak nina Billi Crawford at Coleen Garcia na si Amari na talaga namang sobrang cute nito habang siya ay pinapaarawan ng kanyang ama. Makikita sa mga litrato na ibinahagi ng mag-asawa sa social media na masaya silang dalawa habang kinukunan ng litrato ang kanilang anak na si Amari.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Mapapansin din ang malusog na pangangatawan nito na talaga namang ikinatuwa ng mga netizens na nakakita. Kung ating iisipan parang kailan lang ng isilang ito ni Coleen, at ngayon makikita na natin ang mabilis na paglaki ng kanilang anak.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram



Madalas na ibahagi din ng mag-asawa ang mga litrato ng kanilang anak dahil sa kanilang kagalakan kung kaya ibinabahagi nila sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang mga pang araw-araw na aktibidades ng mag-asawa sa tuwing kasama nila ang kanilang anak.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Sa nasabing post na ito ng mag-asawa mapapansin natin na masayang makikita si Amari habang nakabilad ito sa araw para makakuha ng natural na Vitamin D na mahalaga para sa mga bata.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Saad pa ng kanyang ina na si Coleen na sa sobrang bilis ng paglaki ng kanilang anak ay kasyang kasya na sa kanya ang mga damit na pang 6 na buwan na sanggol na sa kasalukuyan ay nasa 2 buwan pa lamang ang kanilang anak.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Isa sa mga dahilan kung bakit ganito na lamang kalusog ang anak nina Billy at Coleen ay dahil breastfeeding umano ito na talaga namang malaking tulong ang naibibigay at nakukuha hindi lamang para sa ina kundi pati narin sa anak.

Image courtesy: Coleen Garcia/Instagram

Umani ito ng maraming mga positibong komento sa mga netizens at pinuri ang mag-asawa sa kanilang paraan ng pag-aalaga sa kanilang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published.