Ito ang Newly Renovated Kitchen sa bahay ng aktres na si Kathryn Bernardo

Ang aktres na si Kathryn Bernardo ang isa sa may pinaka magandang content sa Youtube social media sapagkat napaka informative at simple ng kaniyang mga youtube vlogs kung saan mas nakikilala siya ng kaniyang mga tagasuporta.

Image courtesy: Instagram/bernardokath



Kamakailan nga lamang, ikinagulat ng mga fans ng aktres ang bagong youtube vlog nito patungkol sa kaniyang newly renovated kitchen sa kanilang bahay. Hindi kasi inaasahan ng kaniyang mga tagasuporta na ipapakita ni Kath ang isang parte ng kaniyang bahay sapagkat pribadong tao ang aktres at pinipili lamang nito ang mga bagay na ibabahagi sa media.

Image courtesy: Instagram/bernardokath

Kaya naman sa unang pagkakataon ay naisipan niyang ipakita ang overall look ng kaniyang Kitchen Area upang makapagbigay rin ng organizing tips and advices sa kaniyang mga tagapanuod.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Sa vlog nito ay kasamang ipinakilala ng aktres ang kaniyang professional organizer at designer na si Issa Reyes na siyang tumulong sa over-all look at organization ng kitchen area nito.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Simple and minimalist ang style ng kitchen area ng aktres kung saan white colored ang mga counter at cabinets nito. Habang ang kaniyang mga cabinet handles naman ay kulay black kung saan mas nagmukhang sophisticated at clean ang look nito.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo



Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Ayon sa aktres, hirap na hirap siya noon sa kaniyang old kitchen lalo na sa tuwing siya ay magba-baking sapagkat hindi organized ang kanilang mga kitchen utensils dahil hindi sapat ang mga drawers at cabinets dito. Hilig pa naman raw kasi ng aktres ang mag-bake at magprepare ng pagkain para sa kaniyang pamilya kaya naman nais niyang mas maging madali at organized ang lahat ng gamit sa kanilang kusina.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Lahat ng ito ay ipina-custom made ng aktres sa tulong ng kaniyang professional organizer upang mas maging maganda ang itsura ng kaniyang kitchen.

Bukod kasi sa mahilig mag-bake ang aktres ay mahilig din raw itong mangolekta ng mga plates and glasswares kung saan ay pakalat kalat lamang noon ang kaniyang mga collection at hindi well-organized. Kaya naman ngayong ipina-renovate niya ito ay mayroon ng tamang lalagyan ang kaniyang mga collectibles at maaari pa niya itong dagdagan sapagkat mas lumawak ang espasyo ng kaniyang mga drawers.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Isa isang binuksan ni Kath ang kaniyang mga drawers upang maipakita ang laman nito at kung gaano na ka-ayos ang kanilang mga kagamitan ngayon. Lahat ng mga pots and pans ay nakatabi sa kaniyang kitchen stove habang ang kaniyang mga glasswares naman at utensils ay mayroong kanya-kaniyang pull out drawers upang mas madali ang pagkuha ng mga gamit sa tuwing mayroong magluluto.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Isa din na magandang parte ng kaniyang kusina ay mayroon itong built in pull-out pantry kung saan nakalagay ang lahat ng kanilang mga goods and snacks. Pangarap daw kasi ni Kath na magkaroon talaga ng sariling pantry room subalit hindi na niya ito naipalagay sa kanilang bahay kaya ipina-custom made na lamang niya ang pull out pantry na ito.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo

Laking pasasalamat ni Kath at natulungan siya ng kaniyang professional organizer upang mas maging maayos ang kanilang kusina. Tiyak raw na matutuwa ang kaniyang Mommy sapagkat malinis at maaliwalas na itong tignan kaysa sa kanilang dating kusina.

Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Youtube/KathrynBernardo
Image courtesy: Instagram/bernardokath

Hindi man gaanong kalakihan ang kusina ni Kath kumpara sa mga kusina ng ilang mga kilalang artista, naging classy at clean naman ang itsura nito sapagkat well-organized at maganda ang kulay ng kaniyang kitchen.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *