Aiko Melendez, proud na ibinahagi ang mas fit na pangangatawan dahil sa kaniyang strict healthy diet

Nitong mga nakaraang buwan ay nagbigay inspirasyon at tips ang aktres na si Aiko Melendez sa mga nagnanais pumayat at maging seksi. Marami nga ang nagulat at humanga sa biglaang pagpayat ng aktres na kung saan ay napakalayo na sa dati niyang katawan.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram



Bagama’t napakahirap ng pinagdaanan ni Aiko para makamit ang seksi na pangangatawan niya ngayon, hindi sumuko at tumigil ang aktres para sa goal niya na magkaroon ng seksi at fit na katawan.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

At sa tulong nga ng kanyang healthy diet and exercise, kung saan sumailalim siya sa calorie-counting diet ay talaga namang kitang-kita ang magandang resulta sa katawan niya ngayon.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

Dahil nga sa matinding determinasyon at dasal ay matagumpay niyang nagawa ang matagal ng hinahangad na pumayat. Hindi nga maitatanggi ang kaseksihan ng aktres sa mga larawang ibinabahagi nito sa social media.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

At kamakailan nga, ay halos malaglag ang panga ng kanyang mga tagahanga at kapwa artista sa showbiz matapos niyang magbahagi sa Instagram ng seksi photos habang nakasuot ng swimsuit.

“Bounce back 10x stronger!”,caption ni Aiko sa kanyang post.

Makikita nga na talagang napakaseksi ni Aiko sa suot na kulay pink na one-piece swimsuit habang sila’y nagbabakasyon kasama ang kanyang mga anak at mga kaibigan. Talagang proud na proud si Aiko sa seksi niyang pangangatawan ngayon na kung saan ay pinaghirapan niyang makamit.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram



Dahil nga talagang kahanga-hanga ang pagbabagong naganap sa katawan ng aktres, inulan ng paghanga at papuri ang kanyang larawan mula sa mga netizens at ilang kaibigan sa showbusiness. Katulad nina Vina Morales, Pops Fernandez, Cherry Pie Picache, Alex Gonzaga, Jaya, Marlo Mortel, Jackie Lou Blanco, Katrina Halili, at Nikki Valdez.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

Talaga namang sulit na sulit ang pagod at paghihirap ni Aiko sa pagda-diet at napakaepektibo namang talaga ng calorie-counting diet niya.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

Nagsimula nga ang aktres sa pagda-diet niya gamit ang “calorie-counting” diet kung saan nagsimula siyang kumain ng pagkain na katumbas ay 500 calories bawat araw, 2 nilagang itlog at isang tasang kape para sa buong araw.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

At sa sumunod namang buwan, ay 1000 calories bawat araw na ang calorie-counting diet ng aktres kung saan ay tanging mga prutas at gulay lamang ang kanyang kinakain sa buong araw.

Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram
Image courtesy: Ms. Aiko Melendez/Instagram

Ang sikreto at tips sa kanyang pagpayat ay ibinahagi ni Aiko sa kanyang vlog kung saan mapapanood sa kanyang Youtube Channel.





Leave a Reply

Your email address will not be published.