Si Kim Domingo ay nananatiling single at masaya sa kaniyang buhay kahit walang katuwang sa buhay

Pagdating nga sa ating mga love life ay hindi naman talaga madali ang makatagpo ng taong magtitiwala at magmamahal sayo ng buong-buo.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram



Kaya naman, sa dami ng tao sa mundo ay mga tao paring nananatiling single o mga taong wala pang katuwang sa buhay. Sila nga ang mga taong hindi pa nakikita ang taong magpapatibok ng kanilang mga pusong nangungulila.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

At kabilang nga sa mga pusong nangungulila at nananatiling single sa buhay, ang napakaganda at napakaseksi na Kapuso actress na si Kim Domingo. Marami nga ang humahanga kay Kim sa kanyang angking kagandahan na talaga namang nakakabighani.

Samahan pa ito ng kanyang maputi at mala-porselanang kutis at seksing katawan na talaga namang kahanga-hanga ang pagiging kurbada.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Kaya naman, marami marahil ang nag-iisip na sa taglay na mala-dyosang katangian ni Kim ay may tao nang nagbibigay saya at kulay sa buhay niya. Ngunit, taliwas sa inaasahan ng marami, nananatili pa ring single si Kim sa kabila ng kanyang angking kagandahan.

Minsan nang umibig ang napakagandang aktres ngunit ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagwakas rin sa huli. At ngayon nga ay halos isang taon nang single ang aktres. Ngunit, sa kabila ng pagiging single ay proud at masaya si Kim sa buhay niya ngayon.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Wala mang lalaking nagbibigay kulay at saya sa buhay pag-ibig niya ay nananatili naman siyang matatag sa mga pagsubok na kanyang hinaharap sa buhay.

Sa kanyang Instagram account, ay isa ngang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Kim sa mga taong nananatiling single.

Ayon kay Kim, ang taong single umano sa mahabang panahon ang pinakamahirap mahalin.

“They have become so used to being single, independent and self-sufficient that it takes something extraordinary to convince them that they need you in their life”.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Mababakas nga sa mensahe ng aktres na tila sa mahabang panahon niyang pagiging single ay marami na siyang natutunan sa mga karanasan niya sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay ng walang sinasandalan. At ito nga ang dahilan kung bakit naging mas matatag na siya ngayon.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Kaya naman, kung may magnanais mang pasukin ang buhay ni Kim, tiyak na mahihirapan itong kumbinsihin ang aktres na tanggapin ito sa buhay niya. Dahil ang isang Kim Domingo ngayon ay isa nang matatag at pinag-iisipan nang mabuti ang bawat desisyon na gagawin sa buhay.

Image courtesy: Kim Domingo/Instagram

Hindi maikakaila na masaya at kontento na nga si Kim sa kanyang pagiging single, at tila hindi na kailangan ng isang taong magiging katuwang ng kanyang puso ngayon.





Leave a Reply

Your email address will not be published.