Kilalanin ang napakagandang panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae

Ang anak ni Ina Raymundo and Brian Portunak na babae ay pinangalanan na Erika Rae Poturnak. Siya ay isang ganap na dalaga na ngayon at nagnanais rin na makilala sa industriya ng showbusiness.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram



Si Erika ay labing-walong taong gulang na at siya rin ang panganay na anak ni Ina at Brian sa magkakapatid. Kamakailan lamang ay nagtapos sa Highschool nito lamang 2020 ang dalaga.

Ang kaniyang graduation ceremony ay isinagawa sa pamamagitan ng online graduation dahil na rin sa pandemya. Sa isang instagram post ni Ina Raymundo, ibinahagi ng ina kung gaano siya kaproud sa kaniyang anak sa pagtatapos nito sa sekondaryang paaralan.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram

Kamakailan lamang din ay nagdiwangng  ika-labingwalong kaarawan ng dalaga noong Oktubre 20, 2019 kung saan dito ginaganap ang isa sa pinakaimportanteng taon para sa babae na karaniwang tinatawag na debut.

Ito ang taon kung saan ang isang dalaga o binata ay nasa legal age na at may mga bagay na maaari na silang gawin at responsibilidad na dapat sundin.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram



Ang nakaraang kaarawang ng dalaga ay dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Ang mga pangyayari sa selebrasyon ay lubos na naging masaya. Nagbigay ng toast para sa celebrant at lahat sila’y inenjoy ang kani-kanilang mga inumin.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram

Mayroon ring IG video si Erika na kung saan nagpapakita ito ng kagalingan sa pag-awit. Isa ito sa mga talento ng dalaga na pinagmamalaki rin ng kaniyang mommy na si Ina.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram

Ayon kay Ina, nais noon ng kaniyang anak na si Erika na pribado lamang ang pagkakakilanlan sa kaniyang pagkatao.

Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram
Image courtesy: Erika Rae Portunak/Instagram

Nerespeto ni Ina ang nais ng anak, at ipinaliwanag niya na ang kaniyang 14 year old daughter noon na si Erika ay beautiful, smart, super strong, and very independent like her Dad.

Tunay nga na nakakatuwa na ang iyong dati-rating binubuhat lamang sa iyong braso ay isang ganap na dalaga na ngayon na isang napakaganda at napakatalinong babae.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *