Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang simpleng selebrasyon ng ika-19 na kaarawan ng anak na si Michael

Maraming mga pagbabago ang nararanasan ng bawat tao sa panahon ngayon, dahil sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo. Ngunit ganun pa man, ay hindi pa rin mahahadlangan nito ang mga importanteng okasyon na talaga namang nakasanayan at nakaugalian na ipagdiwang ng maraming mga Pilipino.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Katulad na lamang ng paggunita nina Jinkee at Manny Pacquiao sa kaarawan ng kanilang anak na si Michael Pacquiao. Dahil sa hindi nila makakasama ang dalawang kapatid na babae ni Michael na kasalukuyang nasa Gensan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ngunit dahil sa pandemya ay talaga namang isinaalang-alang nila ang kapakanan ng bawat tao. Kaya naman, hindi man naging buo o kumpleto ay masaya pa ring ipinagdiwang nila ang kaarawan ng kanilang anak na si Michael.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Simple man ang pagdiriwang ng kaarawan ni Michael ay talaga namang ipinakita ng kaniyang mga magulang kung gaano nila kamahal ang kanilang anak. At ito ay makikita sa larawang ibinahagi ni Senator Manny sa kaniyang Facebook account. Makikita din ang larawan kung gaano ka close ang mag-ama.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Hindi lang sa larawan makikita ang pagiging close ng mag-ama dahil binigyan din ni Manny ng magandang mensahe ang nasabing larawan. Isinaad ng Senator, na uunahin niya muna ang kaniyang anak. Dahil ano man ang mangyari, para sa kaniya ay pamilya ang una sa lahat. At nasabi din niya na proud siya para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kahit sa kabila ng pagkabusy ng Senator at sa dami ng trabaho ay talaga namang inuna niya muna ang kaniyang pamilya para ipagdiwang ang mahalagang araw para sa kaniyang anak.

Ang tema ng nasabing selebrasyon ay kulay asul at dilaw na talaga namang kapansin-pansin.
Sa simple ngunit masayang paggunita ng kaarawan ni Michael ay talaga namang taos-pusong nagpapasalamat si Jinkee Pacquiao sa pagbibigay ng panibagong taon para sa kaniyang anak.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Makikita sa larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram kasama ang kaniyang anak. At ang nasabing larawan ay may maikli ngunit may nakakaantig na mensahe mula kay Jinkee para sa kaniyang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *