Dating aktres na si Vanna Garcia, ito na ang buhay ngayon bilang full-time mom at negosyante

Kilala noon ang dating teen-star na si Vanna Garcia bilang isang magaling na aktres sa larangan ng show business at ilan lamang sa mga ginawa niyang show ay ang kilalang T.G.I.F ‘Thanks God It’s Friday’ ng Kapuso Network at ‘It Might Be You’ na pinagbidahan nina John Lloyd at Bea Alonzo.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram




Masasabi ngang makinang ang kaniyang bituin sa nasabing industriya sa kabila ng pagkakaroon nito ng dalawang anak sa edad na 24-taong gulang.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Ganoon pa man, dumating sa punto na naisipan niyang unahin ang kaniyang pamilya pati na rin ang kagustuhan nitong makabalik sa pag-aaral at kumuha nga ng kursong may kinalaman sa Interior Design.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Nagawa nga ito ni Vanna dahil hindi naman full-time ang schedule niya bilang artista at ng maka-graduate siya ay doon na niya piniling lisanin ang industriya.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Matagal na ring walang balita patungkol sa kaniya at kamakailan lang ay naging laman muli siya ng usap-usapan sa social media bilang isang huwarang ina at businesswoman.

Siya ang may-ari ng First Bloom, isang beauty clinic na kaniyang pinapatakbo sa tulong ng ilan niyang mga kaibigan. Matagal na itong pangarap ng dating aktres lalo na at metikulosa din siya pagdating sa pagpapaganda.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram




“I decided to do a beauty aesthetic clinic! It’s very lucky for me that my cousin-in-law is a doctor, so it wasn’t hard for me to get into the details of the business. I’m into beauty rin naman, so it’s something that I thought I could do and learn!”, pahayag nito sa isang panayam.

Abala man sa pagpapatakbo ng kaniyang mga negosyo ay hindi naman nito napapabayaan ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang tatlong anak na panay lalaki.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Sa murang edad na 20-taong gulang ay nabuntis na kaagad si Vanna sa panganay na anak nitong si Ethan at ngayon ay nasundan pa ito ng dalawa pang anak na sina Lucas at Tyler.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Ayon sa kaniya, hindi biro ang pagpapalaki ng mga anak lalo na at halos magkakasunod ang edad ng mga ito at pare-parehas na lalaki ang mga anak nito.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Ngunit sa katagalan ay natutunan niya na rin ang mga ugali nito at kung papaano sila didisiplinahin. Focus sa ngayon ang aktres sa kaniyang negosyo at sa kaniyang mga anak.


Photo courtesy: Vanna Garcia | Instagram

Talaga namang kahanga-hanga ang naging buhay ni Vanna kahit na sa murang edad ay maraming mga tao ang nag-isip sa kaniya ng negatibo lalo na nang malaman na nabuntis kaagad ito at iniwan ang industriya.

Tunay ngang hindi basehan ng tagumpay ng isang tao ang kaniyang mga nakaraan kundi ang mga ginagawa nitong paraan para makamit ang pangarap na magandang buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *