‘You cannot please everyone,’ Ito ang payo na ibinigay ni Manny Pacquiao sa kaniyang anak na si Michael

Sa buhay ng isang tao kahit gaano pa karami ang mga mabubuting bagay na ating ginagawa o kahit wala tayong sinasagasaan mayroon pa ring nasasabi ang mga taong nakapaligid sa atin na kung minsan nakakasakit na ito ng damdamin.

Image courtesy: Kapuso Network/Youtube



Tulad na lamang sa naranasan ng anak ni Senator Manny Pacquiao na si Michael na nasaktan umano sa mga kritisismo na kanyang natanggap sa mga netizens.

Ngunit alam at kilala naman natin ang kanyang ama na si Senator Manny Pacquiao na isang huwarang ama at isang makadiyos na tao na hindi magagawang maghiganti, magalit at magsalita ng hindi rin maganda sam ga taong naninira sa kanya at sa kanilang pamilya.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

Kaya naman ang tanging nagawa niya para sa anak na si Michael ay bigyan ng payo at magpaubaya o huwag ng pansinin ang kanyang mga nababasa at naririnig sa kadahilanang hindi lahat ng tao ay kaya mong mapasaya o matuwa sa mga bagay na iyong ginagawa.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram



Nagsimula ang mga pagpuna ng mga netizens kay Michael noong tahakin niya ang landas ng isang Music artist at mabigyan ng pagkakataong manominate bilang artist of the year at Hip hop Performance of the year ng Wish.

Dahil sa mga nakamit na ito ni Michael ay hindi maiwasang may mainggit at masabing hindi magandang mga bagay patungkol sa binatilyo na talaga namang nakasakit ng damdamin.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

Saad ni Manny sa isang interview sa Kapuso Showbiz News na hindi umano sanay ang kanyang anak sa mga sinasabi sa kanya ng mga Netizens. Dagdag pa nito na hindi naman ibig sabihin na kapag nakilala ka sa isang bagay ay lahat ng tao ay handang suportahan ka at puriin ka sa mga bagay na iyong ginagawa.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

Sa mga oras umano na makabasa ang kanyang anak ng mga negatibo na komento patungkol sa kanya ay hindi niya maiwasan na maiyak lamang at malungkot. Lumalapit na lamang ito sa kanya upang magsumbong sa kanyang mga nababasa na hindi maganda.

Kung kaya nagawa na lamang na payuhan at ipaintindi ni Senator Manny kay Michael na ganoon talaga ang buhay at hindi mo ma please ang lahat ng tao.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

Ibinahagi din ni Senator Manny na kahit din siya ay meron ding mga basher noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang Career. Hindi siya nagalit sa mga ito subalit ginawa niya itong inspirasyon upang pagbutihin pa ang kanyag mga ginagawa at patunayan sa mga taong naninira sa kanya na hindi siya ganoong tao.

Watch Here: Manny Interview





Leave a Reply

Your email address will not be published.