Maja Salvador, ipinakita ang kagamitan sa loob ng magara at napakaganda niyang Personal Van

Hindi maikakaila na lahat tayo ay nagnanais na magkaroon ng isang kumportableng bagay o gamit. Kahit na ito ay nabili na nating maganda o maayos, ay ipinapaayos parin natin at pinadadagdagan ng mga bagay na nais natin gamitin.

Image courtesy: Maja Salvador/Youtube



Kung ating mapapansin, lahat ng mga sikat at kilalang artista sa industriya ng showbusiness ay ipinapakita ang kanilang magaganda at mamahaling mga gamit na nabili at naipundar.

Isa na rito ang sikat at kilalang aktres at dancer na si Maja Salvador na bumili ng sariling van upang magamit niya sa kaniyang trabaho. Ang nasabing van ay kaniyang ipana-customize sa kaniyang nais na makakapagbigay sa kaniya ng comfort para sa pag-gamit niya sa pang-araw-araw niyang pagtungo sa trabaho.

Image courtesy: Maja Salvador/Youtube



Talaga namang sulit ang paghihintay at ginastos na pera ng aktres sa naturang pagko-customize ng kaniyang sasakyan, dahil sa pagbukas pa lang ng pintuan ng sasakyan ay bubungad agad naman sayo ang napakagagandang upuan na tinatawag na captain seats.

Ang nasabing mga upuan ay hindi ordinaryong upuan lamang, dahil ito ay adjustable at mayroong heater at massager na magbibigay ng sobrang kaginhawahan sa aktres at sa mga nais umupo dito.

At kung ang ceiling naman ng sasakyan ang pag-uusapan ay para kang nagkatingin sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga kumikinang na mga bituin, dahil ang liwanag mula dito ay nagsisilbing mga star lights at pwede mo pang baguhin o palitan ang kulay depende sa nais mo.

Image courtesy: Maja Salvador/Youtube

At hindi lang iyan, ang nasabing sasakyan ay may mga drawers at cabinet din. Kung sa bahay ay hindi mawawala ang isang Smart t.v na siyang nagsisilbing pampalipas oras natin habang nagpapahinga.

Pinalagyan din niya ng mga cup holders, privacy glass, window blinds, pull-out table at USB ports para feel na feel mismo ng aktres ang kanyang pagpapahinga pagkatapos ng isang taping.
Sipag at tiyaga ang kailangan para makuha ang mga hinahangad at inaasam sa buhay.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *