Ibinahagi ni Karla Estrada na siya ay 30 years na sa showbusiness bilang isang artista na nagpapasaya at nang-aaliw sa mga manunuod

Sa buhay ng isang tao minsan hindi natin alintana ang oras na lumilipas at nagugulat na lamang tayo na sa mga panahon na iyon ay marami tayong na nalagpasan na pagsubok na atin ngayong pinapasalamatan.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram



Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Karla Estrada na naging emosyonal sa pagbahagi niya ng kanyang mga naranasan sa showbusiness sa loob ng 30 taon. Oo tama ang inyong nabasa dahil ang ina ni Daniel Padilla na si Karla ay tatlumpung taon na ang serbisyo sa mundo ng entertainment.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram
Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Nito lamang nagdaang araw ay nagpost ang kilalang aktres sa kanyang social media account na nagsasabing ika- 30 taon na pala niya sa showbusiness at hindi ito makapaniwala na matagal na pala siya nagtatrabaho bilang isang artista. Kasama nito ang isang litrato noong siya 16 taon gulang pa lamang at unang taon ng kanyang pagsabak sa showbusiness.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram
Image courtesy: Karla Estrada/Instagram



Nagpasalamat ang aktres sa mga tao na walang sawang sumuporta sa kanya sa mahabang panahon at magpahanggang sa ngayon. Saad din niya na saksi ang mga sinehan, entablado at telebisyon sa kanyang mga nakamit nitong mga nagdaang taon upang makamit ang kanyang mga pangarap at masuportahan ang kanyang pamilya.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram
Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Naibahagi din niya na ito pala ang pangarap niya noong bata pa siya na maging isang full pledge na artista at hindi naman siya nabigo dahil sa loob ng 30 taon ay ito ang naging kaagapay niya sa kaniyang buhay at nakasama niyang trabaho hanggang sa pagtanda ng aktres.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Sa huli saad ni Karla na hangga’t gusto pa umano at pipiliin siya ng mga tao na makasama hanggang sa huli ay gagawin niya at lagi siya magiging handa na pasayahin ito hanggang sa kanyang pagtanda. Lubos ito na nagpapasalamat din sa panginoon diyos dahil sa hindi pagpabaya nito sa kaniya at sa kanyang pamilya.

Image courtesy: Karla Estrada/Instagram

Marami sa mga netizens ang nakasaksi sa post na ito ng aktres at nagpahayag ng kanilang pasasalamat at pagbati sa ika 30 taon nito sa showbusiness.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *