Kilalanin si Diana Lynn Ditan, ang butihing asawa ni Yorme Isko Moreno

Marami tayong hinahangaan na tao sa iba’t ibang industriya dahil sa kanilang pinapakita at ginagawang kagalingan sa kanilang serbisyo. Hindi din mawawala na dahil sa ating paghanga sa kanila ay gusto na din natin malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanila, ngunit minsan wala tayo makuha na impormasyon kahit isa.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram



Ito ay dahil hindi naman lahat ng tao ay gusto makita ang lahat ng kaganapan sa buhay sa nila. Tulad na lamang ng asawa ni Mayor Isko Moreno na si Dianna Lynn na gusto lamang ang simpleng buhay na malayo sa mga usapin ng nakakarami.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Marami sa atin ang nagtataka kung bakit wala masyado tayo balita sa buhay ni Yorme pagdating sa kanyang pamilya dahil madalas ang nakikita lang natin kung paano lamang siya magtrabaho ito. Ayon kay Yorme ay ayaw ng exposure dahil mahiyain ang asawa nito.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Kahit ang mga anak mismo ni Yorme ay tulad din ng kanilang ina na mas pipiliin na hindi magpakita sa publiko ngunit isa sa mga anak niya ang sumunod sa kanyang yapak at pinili na pumasok sa mundo ng showbusiness.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram



Naikuwento din niya na kahit ganun pa man ang kanyang asawa ay nagagampanan pa din nito ang kanyang tungkulin bilang isang ina.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Mas gugustuhin pa umano ng kanyang asawa na gampanan ang kanyang tungkulin bilang ina at asawa na hindi napapansin ng nakakarami.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Sa kabila ng mga ito ay taas noo naman ipinagmalaki ni Yorme na ang kanyang mahal ay miyembro ng Philippine Taekwondo.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Nang tanungin si Yorme kung ano nga ba ang pamilya sa kanya ay dali-dali naman niya ito sinagot na, ito ang pundasyon ng lipunan kung kaya mahalaga ito.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Saad din ni Yorme nong una ayaw pa niya payagan na pumasok sa showbusiness ang kanyang anak na si Joaquin ngunit makalaunan pinayagan niya ito kaysa naman na tumakbo ito bilang isang pulitiko.

Image courtesy: Isko Domagoso/Instagram

Dahil ayaw niya sa mga anak niya na tumakbo bilang isang pulitiko hangga’t siya ay nasa pwesto. Papayagan lamang niya ito kapag dumating na ang panahon na siya ay magretiro.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *