Ibinahagi ni Kim Chiu ang kanilang first beach trip sa Boracay matapos ang 11 months na stay-at-home

Bago pa man sumapit ang Pasko ay iilan sa mga celebrities sa industriya ay muling nagbakasyon sa isla ng Boracay bilang kanilang pinaka-unang destinasyon sa loob ng halos siyam na buwan na pamamalagi at pag-iingat sa loob ng kanilang bahay dahil sa banta ng pandemya sa bansa.

Image courtesy: Instagram/xianlimm

Isa na nga rito ang aktres na si Kim Chiu at Xian Limm kung saan kamakailan lamang ay ibinahagi ang kanilang vacation trip sa Boracay sa kanilang Instagram accounts.

Image courtesy: Instagram/xianlimm

Ayon sa aktres, ito raw ang first ever trip nila simula nang mag-lockdown ang bansa kaya naman pinaghandaan nila ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocols at requirements ng isla ng Boracay maging sa kanilang sinakyang Airline upang sila ay makapagbakasyon.

Image courtesy: Instagram/xianlimm
Image courtesy: Instagram/xianlimm

“…First time to ride a plane since lock down, after 11 months! It felt a little different but good thing @airasia made sure everything is clean and safe. Very good accommodation, fast, clean plus everything is well sanitized… off to the CROWN JEWEL OF THE PHILIPPINES, BORACAY!”

Image courtesy: Instagram/xianlimm
Image courtesy: Instagram/xianlimm
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

Naging madali ang kanilang travel sapagkat sinunod nila ang lahat ng guidelines at requirements na kinakailangan bago makapagbakasyon sa isla. Naging masaya ang aktres sapagkat nakasama niya ang kaniyang pamilya pati na rin ang aktor sa isla ng Boracay kung saan dito nila sinalubong ang araw ng Pasko.

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

Kahit mayroong kaunting takot at pangamba ang aktres ay hindi nila ito gaanong ikinabahala sapagkat nasigurado ng kanilang sinakyan na airline na well sanitized ang eroplano at malinis rin ang kanilang tinuluyang hotel resort.

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

Sa kanilang mga Instagram posts, makikita na napakaganda pa rin ng isla lalo na ngayong walang gaanong turista na kung saan maaliwalas ang paligid at napaka klaro ng tubig sa dagat. Tila pakiramdam ng aktres ay siya ay nasa paraiso lalo na at halos 11 months itong hindi nakapagbakasyon dahil naka-stay at home lamang sila.

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

Kaya naman ang pinakaunang ginawa ni Kim ay ang mag-relax sa beach at langhapin ang fresh air tuwing umaga habang nagjo-jogging dahil ito ang bagay na hindi niya nagawa sa loob ng ilang buwan.

Bukod doon ay sinubukan rin ng aktres ang cliff diving kung saan naranasan niyang tumalon ng 5 meter at 7 meter above sea water. Isa raw itong challenging adventure para sa kaniya kaya naman happy ang aktres na maranasan ito kasama ang kaniyang pamilya.

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

“Thankful for the Gift of Family! This year may be challenging, but I get through by having ‘them’ with me. I am happy to belong to a big family! May instant barkadahan kana kaagad! as the saying goes, to the outside world we all grow old, but not to brothers and sisters. We know each other as we always were. We remember family feuds and secrets, family griefs, and joy. We have that special bond, and that is called blood…”

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

“Holiday break, taking this time to look back on how 2020 went and five more days. We will welcome another year! Hoping and praying that it will be a lot better for all of us!.

Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess
Image courtesy: Instagram/chinitaprincess

Kumpleto ang Pasko ni Kim sapagkat safe and happy sila kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang kaniyang pamilya ang siyang naging daan kaya naging mas matatag ang aktres sa lahat ng problema at issue na kaniyang kinaharap ngayong taon. Laking pasasalamat nito at nakasama niya ang mga ito sa tulong ng kaniyang partner na si Xian Limm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *