Namasyal ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama si Baby Dahlia sa lugar kung tawagin ay Tasmania

Bago pa man matapos ang taon na ito ay madami sa atin ang nais makapamasyal sa ibang bansa at doon mismo salubungin ang pasko at bagong taon.

Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram



Dahil sa dami ng mga pagsubok na dumaan sa atin ngayon ay minsan gusto din natin na makapagrelax kasama ang buong pamilya.

Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Isa na dito ang pamilya ni Anne at Erwan kasama ang kanilang anak na si Dahlia na nagawang pumunta sa Tasmania upang doon mag diwang ng pasko at bagong taon. Napag-alaman umano ng mga tao ang kanilang magandang bakasyon nang ito ay ipinost sa kanilang social media account.

Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Ito ay ideya ng mag-asawa na gusto nila na ipagdiwang ang unang pasko ng kanilang anak at bagong taon sa ibang bansa.

Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram

Sa mga litrato na ating makikita mapapansin ang iba’t ibang mga tanawin na sobrang ganda na talaga naman mapapahanga ka.

Image courtesy: Erwan Heusaff/Instagram



May litrato umano dito na naipost ang pamilya kung saan makikitang tila nasa beach umano si Erwan at Anne habang karga ng aktres ang kanilang anak na si Dahlia.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Madami sa mga netizens ang natuwa sa nasabing litrato dahil makikita mo ang tamis ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Maliban dito, madami sa mga netizens ang nagsasabi na unti- unti nang nagiging kamukha ni Erwan ang kanyang anak na si Dahlia samantala ang iba naman nagsasabi na kamuka ito ni Anne.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Sa huling post naman ng aktres ay meron siyang naibahagi na litrato ng kanyang anak na si Dahlia na kung saan may kasama itong maiksing kapsyon na nagsasabi na malapit na niyang maging kamukha ang kanyang anak.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

Madami sa mga netizens na nakabasa at nakakita ng litrato ang sumang-ayon sa sinabi ng aktres. Maliban sa mga netizens ay madami ding mga kilalang artista ang nagkomento sa post na ito ni Anne Curtis kabilang dito ang mismong tito ni Dahlia na si Nico Bolzico na asawa ni Solenn Heussaff na nagsasabing miss na nila ang kanilang pamangkin na si Dahlia.





Leave a Reply

Your email address will not be published.