Ito na ngayon ang buhay ng dating PBB Housemate na si Tricia Santos

Marami na ang nagdaang mga season ang program na Pinoy Big Brother. Bawat isa ay nagbibigay ng mga hindi malilimutang eksena.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram



Marami din tayong nakilala na iba’t-ibang uri ng tao at iba’t-ibang kwento ng buhay na nagpaiyak at nagpatawa sa bawat tagasubaybay na Pilipino.

Maliban dito, may mga housemate tayong lubos nating minahal at hindi malilimutan ngunit meron din tayong kinaiinisan na gusto na agad natin paalisin sa bahay ni Kuya.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram

Paglipas ng taon ang iba sa kanila tinahak ang daan ng showbusiness ngunit ang iba pumili ng ibang karera. Tulad na lamang ni ex-housemate Tricia Santos na pinakaayaw umano ng mga tagasubaybay noon sa Pinoy Big Brother.

Kahit na madaming tao ang may ayaw kay Tricia ay hindi ito nagpa-apekto kundi mas pinatunayan niya na may kakayahan pa rin siyang sumikat sa mapipili niyang karera.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram

Saglit lang nagpakita sa mga programa si Tricia at sa huli bigla na lang umano ito nawala at hindi na nagpakita sa telibisyon. Madami sa mga dating nakapanuod sa kanya sa PBB ang natatanong kung nasaan na nga ba ito at ano na ang ginagawa.

Makalipas ang mahabang panahon ng pagkawala nito sa telebisyon ay napag-alaman na pinili niya ang kanyang pinakagustong gawin at ito ang maging isang sikat na atleta.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram



Buwan din ang kanyang ginugol at pinag-isipan niya ng mabuti kung ano nga ba ang gusto niya sa buhay.

Isa na siya ngayon sa mga sikat na Volleyball Player na ating nakikita. Madami ang hindi makapaniwala sa husay nito na maglaro sa court.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram

Noong 2015 ay una niyang ibinahagi sa isang interbyu na nakaranas umano siya ng depression sa maiksing oras niya na naging parte siya ng showbusiness.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram

Pinasinungalingan lang niya ang mga balita na nagkaroon umano siya ng isang karamdaman na naging sanhi ng kanyang pagpayat.

Image courtesy: Tricia Santos/Instagram

Ang totoo ay naging depress siya sa mga panahon na iyon.Ngunit sa ngayon makikita naman natin sa kanyang katawan ang pagiging healthy niya na naging dahilan na maging parte siya at modelo ng FHM magazine.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *