Kilalanin ang napakagandang batang anak ni Paolo Ballesteros na si Keira Claire

Sabi nga ng isang kasabihan, “Don’t Judge the Book, by Its Cover”. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isang kilalang host ng noontime shows na pinamagatang “Eat Bulaga” ng Kapuso Network na si Paolo Ballesteros?

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram



Alam naman ng lahat kung anong klaseng tao si Paolo kasi sa kaniyang katangian. Makikita natin ito sa pamamagitan ng kaniyang mga galaw. Ngunit hindi ito naging basehan upang umibig siya at magkaroon ng sariling anak.

Inamin naman ni Paolo sa lahat na tinatapos na niya ang kaniyang “nene days” sa kadahilanang mayroon na itong anak. Bilang isang magulang ay handa umano itong baguhin ang kanyang sarili para sa anak at sa ikabubuti ng kanyang pamilya.

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram

Ganoon na nga ang ginawa ni Paolo dahil hindi siya nagdalawang-isip na talikuran ang isang bagay na nagpapasaya sa kaniya dahil mas dumagdag ang saya sa buhay niya ng makita at magkaroon ito ng sariling anak.

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram

Ang napakagandang anak ni Paolo Ballesteros pinangalanan nila na Keira Claire. Dahil sa taglay na kagwapuhan ni Paolo at kagandahang taglay ni Katrina Nevada na ina ni Keira, ay talaga namang makikita na nakuha nito ang magandang katangian ng kanyang mga magulang.

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram



Hindi lamang pagpapatawa ang kayang gawin ni Paolo, dahil ipinakita niya ang galing at husay niya pagdating sa fashion at design na kung saan ay ipinagmamalaki ito ng kaniyang anak sa pamamagitan ng pagrampa nito sa suot ang nilikha at pinagpaguran ng kaniyang ama.

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram

Hindi naman naging lihim sa anak ang estado ng relasyon ng kaniyang mga magulang, sa kabila nito ay naging magkaibigan pa rin sina Paolo at Katrina.

Kahit ganito ay masaya parin ang kanilang pamilya at makikita ito sa mga larawang naka-post sa Facebook page na kanilang ibinahagi at may kasama pang caption.

Image courtesy: Paolo Ballesteros/Instagram

Hiwalay man ang dalawa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang tungkulin bilang isang magulang kay Keira Claire. Sadyang nakakamangha at nakakabighani ang ginagawa nina Paolo at Katrina para sa ikakabuti ng kanilang anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *