Wala ng mas hihigit pang kaligayahan ang naidudulot natin sa ating pagtulong sa ating kapwa. Anumang bagay ang ating naibibigay sa kanila, maliit man ito o malaki ay isang malaking tulong na ito para sa kanila.

Hindi alintana ang estado sa buhay ng iyong pagtulong, mahirap ka man o mayaman ay may mga bagay ka pa ring maitutulong sa iyong kapwa.
Ngayon lamang nagdaang pasko at bagong taon ay marami tayong napabalita na mga kilalang personalidad na nagbahagi ng grasya sa kani-kanilang mga kasambahay o staff.

Hindi mapantayang saya ang naramdaman ng mga ito nang kanilang matanggap ang mga regalo sa kanila mula sa mga pinagsisilbihan nila.
Isa na rito ang kilalang pamilyang Dantes. Upang maipakita nila ang kanilang pagmamahal, at pagbibigay ng halaga sa mga taong naglilingkod at nagsisilbi sa kanila.

Nagpasya ang mag-asawa na bigyan ng isang sorpresa ang kanilang mga kasambahay sa araw ng Pasko.

Makikita sa Instagram post ng mag-asawa kung saan ay ipinakilala nila ang mga taong nagsilbi sa kanila ng mahigit ilang taon na din.

Hindi lang pagbibigay ng sorpresa ang inihanda ng mag-asawang Marian at Dingdong dahil ang nasabing kasiyahan ay nagsimula sa isang programa na may kalakip pang mga palaro, regalo, at may mga kapana-panabik na mga papremyo ang naghihintay para sa kanilang mga minamahal na mga tauhan.

Si Ate Glenda na kung saan ay ang nag-alaga sa kanilang panganay na anak na si Zia ay nanalo ng isang bagong bisikleta.
Malaki naman ang pasasalamat ni ate Glenda sa mag-asawa dahil napakalaking tulong ng kaniyang napanalunan para sa kanyang pamilya.

Si Kuya Jhun naman na nakasama ng pamilya Dantes sa loob ng 17 taon ay nanalo ng isang bagong laptop at may wifi koneksyon pa.

Malaking pasalamat din ni Kuya Jhun sa mag-asawa dahil malaking tulong para sa pag-aaral ng kaniyang anim na anak ang kanyang napanalunan lalo na ngayon na kailanagn talaga ng mga estudyante ang mga ganitong bagay.

Si Cecile naman na nag-uwi ng TV ay hindi mapigilang purihin ang kabutihang loob ng mag-asawa. Hindi lang iyon ang mga natanggap ng kanilang mga tauhan, dahil bawat isa sa kanila ay nakatanggap din ng groceries para makatulong sa kanilang pagpatayo ng sari-sari store para sa kanilang pamilya upang may mapagkakitaan pa.