Niregaluhan ni Melai Cantiveros ng bago at magarbong kotse ang kanyang asawa na si Jason Francisco

Ang Disyembre ang tinaguriang buwan ng pagbibigay at ito din ang buwan kung saan ginugunita ng lahat ng tao ang araw ng pasko.

Image courtesy: Melason Official/Youtube



Hindi lang naman din limitado ang ating kakayahan sa pagbibigay sa kapwa tuwing pasko dahil kahit anong buwan, araw o oras ay maaari nating maibahagi sa iba ang ating pagpapala at biyaya.

Image courtesy: Melason Official/Youtube

Maraming mga artista ang nakikita natin ngayon na nagbibigay ng tulong sa mga taong naging parte ng buhay nila.

Tulad na lamang ng kilalang komedyante at host na si Melai Cantiveros na nagawang sorpresahin ang kanyang asawa na si Jason sa pamamagitan ng pagbigay ng regalo na bagong sasakyan.

Image courtesy: Melason Official/Youtube

Makikita ang kaganapan na ito sa Vlog ni Melai sa kanyang Youtube account na kung saan mapapansin ang dark blue na pickup truck sa kanilang likuran.

Mapapanuod din sa kanilang Vlog ang naturang pagsurpresa ni Melai sa kanyang asawa. Nagsimula ang plano ng host nang sila ay papunta sa Clinic ni Dra. Belo at nagawang tanungin umano ni Melai ang kanyang asawa kung ano ang gusto nitong regalo.

Image courtesy: Melason Official/Youtube



Saad naman ng aktor na gusto umano nito ng aso na may iba’t ibang laki ngunit makalaunan ay nagbago ang ihip ng hangin. Saad ng aktor na ayaw niya na siya ang binibigyan na regalo bagkus mas gusto niya na siya ang nagbibigay.

Sa katotohanan, ang pagpunta pala ni Melai sa clinic ni Dra. Belo ay siya ring oras ng kanyang pagkuha mismo ng regalo niya sa kanyang asawa na si Jason.

Image courtesy: Melason Official/Youtube

Bahagi ng host sa vlog na matagal na umanong pangarap ito ni Jason na magkaroon ng sariling sasakyan at sigurado umano siya na magugustuhan nito ang kulay dahil bagay ito sa kanya.

Matapos maipakita at maibigay ni Melai ang sasakyan sa kanyang asawa ay makikita sa mukha ni Jason ang sobrang saya na hindi mo maipaliwanag.

Image courtesy: Melason Official/Youtube

Hindi nakapagsalita si Jason sa ginawa ni Melai sa kanya at sa huli napagtanto niya na ang lahat ng ito ay plano ng kanyang mag-iina.

Image courtesy: Melason Official/Youtube

Umani ito ng isang katutak na positibong komento mula sa mga netizens na kung saan natutuwa sila sa ginawa ni Melai sa kanyang asawa na si Jason.





Leave a Reply

Your email address will not be published.