Alam naman natin sa ngayon ay maraming mga establisyemento ang nagsara at maraming mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na naging ugat ng paghihirap ng maraming tao.

Dahil dito marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos sa kanilang pang-araw-araw na gastusin pero dahil sa Pilipino tayo ay nagagawan pa din natin ito ng paraan o solusyon upang makatawid sa ating mga pangangailangan.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Dahil din sa pangyayari na ito marami sa mga Pilipino ang nakapagtanto ng isang bagay at ito ay ang kahalagahan ng pag-iipon ng pera.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Tulad na lang ng sikat na band vocalist na si Chito Miranda na nawalan ng gig dahil sa pangmalawakang quarantine.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Maliban sa mga gig na meron si Chito ay alam naman natin na meron din itong iba’t-ibang mga business at isa na dito ang Kimchi na kung saan napilitan siyang ilipat ito sa Tagaytay dahil sa pag alburuto ng taal.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Ngunit sa paglipat na ito ni Chito sa kanyang restaurant ay bigla na lang din nagkaroon ng pandemya na naging sanhi ng Lockdown at pagkawala ng kita ng kanyang mga negosyo at gig. Saad na lang ng bokalista na maraming naging pagsubok sa kanilang pamilya ang taon na ito.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Nagpapasalamat na lang din siya na kahit nagsarado ang lahat ng kanyang mga pinagkakakitaan ay may mga iba pang mga bagay na pwede niyang pagkuhaan ng pera at ito ang kanyang mga paupahan at ang kinikita niya sa mga kanta na sinusulat at kinakanta niya.
Image courtesy: Chito Miranda/Instagram
Higit sa lahat malaking tulong sa kanyang pang araw-araw na gastos ang naipon niyang pera mula sa mga business at gigs niya.
Proud umano ang bokalista sa kanyang mga ginawa na mas pinili niya ang investment kaysa sa mga luho sa buhay. Malaking pasasalamat din ni Chito na kahit ganoon pa man ang nangyare ay nanatiling malusog at malayo sa kapahamakan ang kanyang pamilya at nagkaroon pa umano siya ng oras upang makasama niya ito.