Barbie Imperial, ibinahagi ang pagiging magkasintahan nila ng aktor na si Diego Loyzaga

Image courtesy: Diego Loyzaga/Instagram



Sa magkakaibigan, minsan hindi nawawala ang tuksuhan, pero dahil magkaibigan kayo walang taluhan.

Minsan sa sobrang sweet niyo sa isa’t-isa, sobrang pag-aalaga niyo, mapapaisip na lang ang iba kung talagang magkaibigan lang ba kayo o may kakaibang level na o may nais ipahiwatig ang ganitong mga reaksyon.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram

Pero minsan, hindi rin namang malabo na mahulog ka o magkaroon ka ng kahit kaunting nararamdaman sa iyong kaibigan.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram

Sinasabi din ng ilan na mas maganda nga na kayo ang magkatuluyan kasi kilala niyo na ang isa’t-isa, mahaba narin ang inyong pinagsamahan.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram

Ang lahat naman ng bagay nagsisimula sa pagiging magkaibigan. At isa na nga rito ang kilalang aktres at aktor na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram



Alam naman natin na kapag ikaw ay bahagi ng mundo ng showbusiness industry ay hindi malabong hindi maging mainit ang mga mata ng taong nakapaligid sa inyo, kahit sa kaunting bagay lang na nagawa mo.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram

Dito na nga nagsimula ang pag-aabang ng lahat kina Barbie Imperial at Diego Loyzaga na nagsimula lamang sa isang komento ni Diego sa nasabing bikini photo ni Barbie.

Image courtesy: Barbie Imperial/Instagram

Kung dating inaabangan lang ng lahat ang status ng kanilang relasyon, ngayon ay opisyal nang ibinunyag ng dalawa na sila ay nagkakamabutihan na, sa madaling salita ang dalawa ay magkasintahan na. Dahil sa magandang balita, maraming mga netizens ang natuwa.

Sa Instagram post ni Barbie ay hindi maitago ang sayang kaniyang nararamdaman. Nagpapasalamat si Barbie kay Diego sa pagbibigay nito ng saya at sa pagpaparamdam ng pagmamahal.

Image courtesy: Diego Loyzaga/Instagram

Hindi naman nagpahuli si Diego, dahil nagpost din ito ng larawan nila ni Barbie sa kaniyang Instagram. Hindi naman mawawala ang caption ni Diego sa kaniyang post.

Nagpapasalamat ito dahil naging memorable ang taong 2020 sa kaniya sa pagkakaroon ng nag-iisang Barbie sa kaniyang buhay.

Image courtesy: Diego Loyzaga/Instagram

Hindi lang ang pamilya at mga kaibigan nila ang naging masaya, kundi pati narin ang mga taong malalapit sa kanila at mga tagahanga.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *