Kean Cipriano, mas naunawaan na ang hirap ng pagpapalaki ng sariling anak ngayong siya’y isang ganap nang magulang

Ang pinaka-challenging na trabaho o kaganapan sa buhay ng isang magulang ay ang pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram



Hindi ganoon kadali ang magpalaki ng mga bata. Marami kang pagdadaanang hirap, lagi mo silang uunahin bago ang sarili mo.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram

Klase ng hirap na magsisimula mula sa pagbubuntis mo sa kanila hanggang sa maisilang mo ito. Iyong mga simple ngunit napakahirap na pangyayari sa part ng isang ina, tulad na lamang sa kailangan mo magising upang magtimpla ng gatas, magpalit ng diaper at pagligpit mo ng kanilang mga laruan.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram

Minsan naririnig mo sa magulang mo lalo na kapag may kapatid kang maliit na, “kapag nagkaanak ka, ganito din ang gagawin mo.” Minsan hinahayaan lang natin, o binabalewala kasi hindi mo pa nararanasan, ikaw yung nagpapasaway at nagbibigay ng sakit ng ulo.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram

Pero sa huli, hindi mo makakalimutan ang sakripisyong ginawa sa inyo ng iyong mga magulang lalo na ang inyong ina at mas higit sa lahat kapag nagawa niyang maitaguyod kayo at magkaroon ng magandang buhay.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram



Katulad na lamang ng nangyari sa isang sikat at kilalang bokalista ng isang banda na si Kian Cipriano, na ngayon ay mas naintindihan na kung gaano kahaba ang ginawang pagpapasensya ng kaniyang ina sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid na nararanasan naman niya ngayon sa pagpapalaki ng sarili niyang mga anak.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram

Totoo ngang mahirap at nakakapagod magpalaki ng isang anak pero sa kabilang banda sila naman ang nagbibigay ng kaligayahan at nagpapawala ng mga pagod sa maghapong trabaho. Sa post ni Kian sa kaniyang Instagram account, makikita ang larawan ng napakacute niyang anak na si Nukie.

Ang nasabing larawan ay may caption na, kaya umano siya pangitiin at inisin ng kanyang anak.
Hindi lang ang pasensya niya ang nasusubukan ng kaniyang anak kundi pati narin ang pasenya ng kaniyang asawa na si Chynna Ortaleza.

Image courtesy: Kean Cipriano/Instagram

Gaano man kakulit ang kanilang anak ay sobrang mahal nila ito. Kasi alam nila bilang isang magulang na habang lumalaki ang kanilang anak ay talaga namang curious ito sa mga bagay at sa mga nangyayari sa paligid nito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *