Ivana Alawi, niregaluhan ang kaniyang sarili ng 8-carat diamond na singsing bilang tanda ng self-love

Ika-nga, hindi masamang i-treat o bigyan ng regalo ang sarili. Minsan sa dami-dami ng ating ginagawa sa trabaho, minsan nga hindi pa maiwasang mag over-time at mag sideline pa ng iba pang trabaho para lang madagdagan ang kinikita natin, hindi lang para sa sarili kundi para mapunan ang pangangailangan ng ating pamilya.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram



Pero sa kabila ng pagiging subsob sa trabaho ay huwag nating kalimutan ang ating sarili, kahit simpleng bagay na pwede nating bilhin at iregalo sa ating sarili ay nakakadulot na ito ng isang malaking kasiyahan.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram
Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Isa na rito ay ang nagawa ng isang sikat at magandang vlogger na si Ivana Alawi, na hindi mo aakalaing magagawa niyang bilhan ang kaniyang sarili ng isang 8-carat diamond ring.

Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram
Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram



Ang nasabing diamond ring ay ang birthday gift ni Ivana sa kaniyang sarili. Ito ay ibinahagi niya sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang pagvlog na makikita at mapapanood sa YouTube noong Miyerkules ng Enero 6. 24 na taong gulang na si Ivana noong Disyembre 25.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Ang nasabing kaarawan ay isang napakaespesyal na araw na taon-taon nating ginugunita. Ang 8-carat diamond ring na ipinakita ni Alawi sa kaniyang kapatid na si Luna ay gawa ng isang kilalang brand ng mga alahas at ito ay ang Drake Dustin na kung saan ay hindi lamang malaking bato o diamond ang makikita sa singsing, dahil ang nasabing singsing ay napapalibutan ng isang katutak na diamond.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Dahil sa regalo ni Ivana sa kaniyang sarili ay nasabi niya na lamang na hindi niya na kailangan pang mag-antay ng isang lalaking magbibigay o magreregalo sa kaniya ng isang diamond ring dahil kaya niya namang bilhan at regaluhan ang kaniyang sarili. Para kay Ivana, ang kaniyang regalo ay isang simbolo ng kaniyang pagmamahal sa sarili.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube
Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Nasabi rin niya na isa itong investment para sa sariling pinagpaguran, at isang mahalagang bagay na hindi lamang siya ang makikinabang dahil pwede niya pa itong maipasa at maipamana sa kaniyang magiging anak.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *