Ivana Alawi, sinurpresa ang kaniyang ina sa pamamagitan ng pagregalo ng bagong sasakyan

Habang tayo ay lumalaki hanggang sa magkaroon ng trabaho, tanging pangarap lamang natin at inaasam-asam ay ang mabilhan at mabigyan ng mga bagay ang ating mga magulang at maranasan o iparanas ang maganda at maginhawang buhay sa kanila.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube



Kaya naman, ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para maibigay at maiparanas natin ang mga ito sa kanila. Dahil nakikita naman natin ang hirap at sakripisyo na ginagawa sa atin ng ating mga magulang.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Hindi mapantayan ang kanilang pagod para matustusan ang ating mga pangangailangan, kaya walang anak ang hindi gustong mabigyan o masuklian ang paghihirap na ito ng kanilang mga magulang.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Isa na rito ang maganda at kilalang vlogger na si Ivana. Hindi naman maitatanggi ng lahat na simula nang magkaroon ng vlog si Ivana at makita ng lahat ang kaniyang taglay na kagandahan at kaseksihan ay talaga namang dumami agad ang kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Kung ating makikita, ang kaniyang YouTube Channel ay may roon ng 10 milyong subscribers at ang bawat video ay mayroong average na anim na milyong nanood.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube



Kung inyong mapapansin ay hindi lamang ang kaniyang kapatid na si Mona ang makikita sa video kundi pati narin ang kanilang ina na si Mommy Fatima at talaga namang makikita ang kanilang masaya at nakakaaliw na kulitan.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Mula sa Puntod, Cagayan de Oro, si Fatima Alawi ay dating OFW sa Bahrain. Mula doon ay umibig siya kay Samir Al Alawi, isang Moroccan at ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nabiyayaan ng tatlong anak.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Hindi man tumagal ang kanilang pagsasama, kaya nagdesisyon si Fatima na bumalik sa Pilipinas at mag-isang itaguyod ang pagpapalaki sa kanilang tatlong anak na sina Hashim, Ivana at Mona.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Gaya ng ibang mga Youtuber na inyong napapanood ay hindi mawawala sa kanilang mga bidyo ang mga challenges na kanilang ina-upload na kung saan ay malaki ang naitutulong nito upang gumanda ang kanilang vlog at mas lalo pa itong panuorin at subay-bayan ng maraming tao.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Kaya naman, makikita at mapapanood sa bagong vlog ni Ivana ang pagsurpresa niya sa kaniyang ina ng isang bagong sasakyan.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Pero bago ang lahat ay nagawa munang i-prank ni Ivana at ng kaniyang mga kapatid ang kanilang mommy, pero sa huli ay talaga namang makikitang nasurpresa ang kanilang ina at hindi mapigilang maging emosyonal.

Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube
Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Wala na talagang mas tatamis pa sa ngiti ng ating ina dahil alam natin sa sarili natin na ito ay galing sa kanilang mapagmahal na puso.





Leave a Reply

Your email address will not be published.