Mag-asawang Dingdong at Marian, ibinahagi ang pagtuturo sa anak ang kahalagahan ng pagkain ng mga masustansiyang prutas

Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong ugaling pagiging isang makabansa? Bilang isang mamamayang Pilipino, tatangkilin ko ang produkto ng ating sariling bansa, mula sa kasuotan, hanggang sa pagkain.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Kung iyong papansinin, hindi lamang sapat na ehersisyo ang kailangan ng isang tao, para masabi o maipakita na siya ay malusog, dahil napakalaki ang ginagampanan ng pagkaing ating kinakain.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Sa panahon ngayon, kailangan nating maihain sa hapag-kainan ang tatlong pangkat ng pagkain. Una, kailangan makita sa hapagkainan ang pagkain tumutulong sa paglaki, pangalawang pangkat ay ang pagkaing nagbibigay-lakas, at ang pangatlo ay ang pagkain pananggalang sa sakit at impeksyon.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Katulad nalang sa ginawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, na hindi lamang pagtangkilik sa mga lokal na prutas meron ang bansang Pilipinas kundi, ipinakita rin nila sa kanilang anak na si Zia ang kahalagahan ng pagkain ng prutas.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Makikita at mapapanood sa Instagram ni Dingdong Dantes ang isang bidyo noong Disyembre 30, na kung saan habang masaya silang kumakain ng isang mangkok ng mga prutas ay nag-eenjoy din silang sumayaw at umawit ng isang awitin ni Ryan Cayabyab na may pamagat na “Prutas Pilipinas”.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ipinakita at ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang anak na si Zia ang kahalagahan at ang naidudulot ng pagkain ng mga masusustansiyang prutas sa ating katawan.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ika pa ni Marian, hindi lamang ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain ang naituturo niya sa kaniyang anak, kundi pati narin ang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng ating bansa ng masaganang likas yaman at matulungang maisulong ang kabuhayan ng ating mga magsasakang Pilipino.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Dahil sa ginawa ng pamilya Dantes, ay hindi lamang ang kanilang katawan ang binigyan at binusog nila ng masustansiyang pagkain kundi pati narin ang bonding nila sa kanilang anak.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Isa ito sa mga bagay na dapat natin ituro sa ating mga anak upang magkaroon sila ng kaalaman sa mga pagkain na kanilang kinakain.

Image courtesy: Dingdong Dantes/Instagram

Ang ginawa na ito ng mag asawa ay malaking approve para sa mga magulang na nakasubaybay din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *