Ejay Falcon binalikan muli ang nakaugaliang pamimigay ng regalo sa kaniyang bayan sa Oriental Mindoro.

Ano mang nakaugalian at nakasanayan ay talagang babalik-balikan. Hindi lamang ngiti ang naibibigay mo sa iyong kapwa sa pagtulong at pagbibigay ng kahit maliit na bagay, kundi ito rin ay nagpapasaya ng iyong puso.

Ika nga, wala sa laki o liit ang pagtulong sa kapwa o mga nangangailangan, bagkus ito ay nagmumula sa kaibuturan at kagandahan ng iyong puso.

Ang pagpapakita at pagkakaroon ng halaga at pagmamahal sa iyong kapwa ay isang malaking regalo na para sa kanila.

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang nakasanayan at nakaugaliang gawin hindi para sa kanilang sarili, kundi para sa kanilang kapwa.

Isang halimbawa na rito ay ang sikat na aktor na si Ejay Falcon, na talaga namang hanggang ngayon ay hindi nalilimutan ang kaniyang nakaugaliang pagbibigay ng mga regalo bawat bagong taon.

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap natin at ng buong mundo ay hindi ito naging hadlang o balakid sa aktor para umuwi sa kaniyang bayan sa Pola, Oriental Mindoro, kasama ang kaniyang kasintahang si Jana Roxas.

Malugod at maligaya nilang sinalubong ang taong 2021 kasama ang pamilya ni Ejay Falcon. Maliban sa nakaugaliang pagbibigay ng regalo, ay may isa pang nakasanayang gawin si Ejay at ito ay ang pagpapalaro ng basketball sa mga middle age na palaging ginagawa bawat buwan ng Disyembre.


Gayunpaman ay nabigo ang aktor dahil posibleng hindi ito magawa ngayong taon dahil sa pandemya. Ang nasabing laro ay para sa pagkakaroon ng bonding ng lahat, at dahil nga sa kinakaharap ng mundo ay mahigpit itong ipinagbabawal dahil sa panukalang batas na magkaroon ng “physical at social distancing” ang bawat tao. Lungkot ang naramdaman ng aktor.


Naapektuhan man ang trabaho ng aktor, ay hindi ito naging daan para tumigil at ipagpatuloy ang kaniyang nakasanayang gawin.


Nagpapasalamat ang aktor sa Panginoon dahil naipamahagi niya ang mga blessing na meron siya. Sinabi din ng aktor, na sana sa mga susunod pang taon ay mas marami pang lugar ang kanilang mapuntahan para maibahagi ang mga grasyang mayroon siya.