Anak ni Melissa Ricks na si Keira ipinagdiwang ang ika-anim na kaarawan

Kung ating makikita at mapapansin, marami pa ring mga celebrity o mga kilalang tao ang nagbubunyi ng kanilang mga kaarawan lalong-lalo na ng kanilang mga anak.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram



Makikita mong hindi hadlang ang nararanasan nating pandemya para gunitain ang isang napakaimportanteng bagay at araw ng kanilang mga mahal sa buhay.

Isa na rito ang kilalang aktres na si Melissa Ricks na talaga namang siniguradong maging masaya at mag-enjoy ang kaniyang anak sa pagdiriwang nito ng ika-anim na taong kaarawan noong Martes ng Enero 12 na may temang unicorn.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Ipinagdiwang ang nasabing kaarawan sa Batangas kung saan nakatira ang non-showbiz na kasintahan ni Melissa na si Michael Macatangay na noong nakalipas na taon lamang ay opisyal na nag-propose sa kaniya.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Makikita ding magkapares ang kasuotang sinuot ng mag-ina. Sa post na larawan sa Instagram account ni Melissa ay kaniyang binigyan ito ng caption na, binabati niya ng isang maligayang kaarawan ang kaniyang isang munting anghel na si Kiera Kelly na iniregalo sa kaniya ng Panginoon.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Si Kiera Kelly ay ang nag-iisang anak ni Melissa sa dati niyang naging karelasyon na si Charles Togezaki na noong taong 2015 ay nagkahiwalay ang dalawa.

Nabigo man sa unang pag-ibig ay dumating at umusbong ang panibagong pag-ibig para sa kaniya.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram



Kaya naman ay sinurpresa siya ng kaniyang kasintahan na si Michael sa harap ng kaniyang pamilya at mga kaibigan sa Rosario, Batangas noong Agosto 29 ng isang proposal.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Dito mo masasabi na kahit ano pa man ang mangyari basta para sa iyong anak ay kayang-kaya mo gawan ng paraan para mapasaya lamang siya.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Si Melissa Marie Ricks ay anak ni Kelly Ricks, isang presidente at director ng S&R Philippines at Josie Ricks, ipinanganak siya noong Enero 9, 1990 at sa ngayon ay 31 taong gulang na siya.

Image courtesy: Melissa Ricks/Instagram

Sumali si Melissa Ricks sa isang talent show ng Kapamilya network na pinamagatang Star Circle Quest noong 2004. Pagkatapos ng nasabing patimpalak ay lumabas si Melissa sa iba’t ibang palabas ng Kapamilya network.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *