Jinkee Pacquiao, ipinagdiwang ang kaarawan sa Batangas kasama ang pamilya

Ano mang kaganapan at mga nararating natin sa buhay ay nandyan ang ating pamilya na siyang nagbibigay sa atin ng lakas at saya.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Kahit sa simpleng tagumpay natin ay nariyan sila upang samahan tayong ipagbunyi ang ating narating at ang pinakaimportante sa lahat ay ang isang taong pagpapasalamat natin sa panibagong yugto ng ating buhay na kahit kailan ay hindi tayo pinabayaan at talagang iningatan tayo ng Diyos.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Ito ay walang iba kundi ang paggunita natin sa ating kaarawan na masaya at kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Isa na rito ay ang paggunita ng ika-42 taong kaarawan ni Jinkee Pacquiao noong Martes ng Enero 12. Makikita sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao ang isang larawan kung saan ay kasama niya ang kaniyang asawang si Senator Manny Pacquiao at ang kanilang mga anak sa isang Farm na matatagpuan sa San Benito, Batangas.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Kung saan ay ginugol nila doon ang kanilang oras upang ipagdiwang ang isang napakaespesyal na araw para sa buhay ng kaniyang asawa at ng kanilang ina.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram



Hindi lamang larawan nilang magpamilya ang makikita sa post, dahil makikita din dito ang isang kumpol ng mga pula at puting rosas na kaniyang natanggap mula sa kaniyang asawa at dahil sa sayang naramdaman ni Jinkee ay nagpasalamat siya sa kaniyang asawa.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Makikita naman sa Instagram page ni Senator Manny Pacquiao ang isang larawan na magkasama sila ni Jinkee at ang nasabing post ay may nakasulat na, nagpapasalamat ng sobra si Manny Pacquiao para sa kaniyang asawang si Jinkee dahil sa pagiging isang napakabuti at mapagmahal na asawa at ina para sa kanilang mga anak at binati niya ito ng maligayang kaarawan.

Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram
Image courtesy: Jinkee Pacquiao/Instagram

Noon lamang Setyembre ng nakalipas na taon ay ginunita nina Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao ang kanilang ika-21 taong anibersaryo bilang mag-asawa. Ikinasal ang dalawa noong sila ay 19 na taong gulang pa lamang.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *