Patrick Garcia at Nikka Martinez, inaasahang madaragdagan na ang kanilang tatlong anak ng pang-apat na baby

Isa sa nagbibigay ng kaligayahan sa pagsasama ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng mga anak. Alam naman nating hindi madali ang mga nararanasan ng mga babaeng nagdadalang-tao. Mahirap para sa parte nila dahil marami silang mga pagbabagong nararanasan lalo na sa pagbabago ng kanilang katawan.

Image courtesy: Patrick Garcia/Youtube



Kabilang na dito ang biglaang paglaki ng kanilang katawan na kasunod nito ay nadadagdagan din ang kanilang timbang, pagkakaroon ng morning sickness, pagsusuka, paglilihi, sakit sa paggalaw ng baby, mapili sa pagkain at marami pang iba.

Image courtesy: Patrick Garcia/Youtube

Ngunit ang lahat ng ito ay hindi alintana sa ating mga magulang, dahil kahit ano pa ang hirap at pasakit na kanilang nararanasan ay kaya nilang indahin alang-alang sa kanilang mga anak at ang lahat ng ito ay hindi makakapigil para hindi madagdagan ang kanilang anak.

Image courtesy: Patrick Garcia/Youtube

Halimbawa na lamang ang mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez na mayroon ng tatlong anak na sina Francisca, Chelsea at Nicole at ngayon ay madadagdagan na naman ang bilang ng kanilang pamilya dahil ipinagbubuntis ni Nikka ang kanilang pang-apat na anak.

Image courtesy: Patrick Garcia/Youtube

Ang pagdating ng kanilang ikaapat na anak ay kanilang inanunsyo sa pamamagitan ng kanilang vlog at dahil dito, lahat sila ay sobrang excited.

Image courtesy: Patrick Garcia/Instagram



Image courtesy: Patrick Garcia/Instagram

Kung inyong mapapansin ay hindi gaanong nakakapag-update ang pamilya nina Patrick sa kanilang vlog, kahit pa noong holidays, Pasko at Bagong Taon, ito ay sa kadahilanang ipinagbubuntis na ni Nikka ang kanilang ikaapat na anak.

Image courtesy: Patrick Garcia/Instagram

Naikuwento ni Nikka na hindi madali ang kaniyang pagbubuntis sa kanilang ikaapat na anak, hindi tulad ng pagbubuntis sa kanilang tatlong anak, para sa kaniya ay mas challenging ang pagbubuntis niya ngayon.

Image courtesy: Patrick Garcia/Instagram

Hindi lang ang pamilya nina Patrick ang masaya para sa kanilang bagong miyembro ng pamilya kundi pati narin ang mga taong sumusubaybay at humahanga sa kanila.

Image courtesy: Patrick Garcia/Instagram

Maraming mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa nasabing post at marami sa kanila ang nagnanais o hinihiling na sana ay Baby Boy na ito.





Leave a Reply

Your email address will not be published.