Dahil sa pandemyang kinakaharap ng ating mundo, ay hindi maiwasang may mga taong mawawalay sa kanilang mga pamilya at kahit sa kanilang kasintahan.

Ika nga, walang kahit sino at problema ang makakapaghiwalay sa dalawang taong lubos na nagmamahalan. Ang pagmamahal at pag-iintindi niyo sa isa’t isa ang tangi ninyong mapanghahawakan para sa inyong matatag na pagmamahalan.

Marami sa ibang mga taong nakakaranas ng long distance relationship ay nagbabahagi din kanilang payo para sa iba na nasa parehong sitwasyon. Tulad na lamang ng mag-asawang Heart Evangelista at Sorsogon Governor Chiz Escudero patungkol kung paano nila mapapatatag ang kanilang relasyon sa panahon ngayon.

Sa pinakabagong vlog ni Heart ay sinamahan siya ng kaniyang asawa para sa panibagong yugto ng kanilang seryeng usapang pang matanda.

Dito nila tinalakay ang patungkol sa long distance relationship, pagbibigay nila ng mga donasyon, at gayundin sa usaping pampulitika ni Escudero.
Ayon kay Escudero na hindi naman sila palaging magkasama ng kaniyang asawa, dahil minsan nang nalayo sila sa isa’t isa dahil sa pagpunta ni Heart sa China at nanatili ito ng ilang buwan doon para sa kaniyang proyekto.

Saad ni Escudero na tanging pagkakaroon ng unawaan at pagkakaintindihan nila ang naging tulay para sa kanilang pagsasama.

Ibinahagi din nila na ang pagkakaroon ng isang distance relationship ay siyang makakatulong sa paglago ng kanilang mga puso.

Marami ring nagsasabing dahil sa layo ng ralasyon ay nakakalimot na ang puso, pero para sa kilalang mag-asawang Heart at Escudero hindi ang pandemya ang magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay bagkus ito ang magiging daan upang mas lalo pang tumatag ang kanilang pagsasama.

Saad pa ni Escudero na mawawala at lilipas din itong pandemya, ito ay isang daan at usapin kung paano mapaglalabanan ito ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi ang pandemya ang magiging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa madaling salita, ito ay tungkol sa pagkakaroon ng pag-intindi, pag-unawa at pagkakaroon ng magandang komunikasyon sa isa’t isa.