Iya Villania ibinahagi na malaking hamon ang work from home kasabay ng pag-aalaga niya sa kanilang tatlong anak sa kanilang tahanan

Sa pandemyang kinakaharap ng ating mundo ay marami ang mga taong nawalan ng trabaho, naipasara ang kanilang mga pinagkakakitaan at ang iba naman ay sa bahay nalang ipinagpatuloy ang kanilang mga trabaho.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram



Hindi madali sa isang ina ang pagsabayin ang kaniyang trabaho sa opisina at pag-aalaga ng kaniyang mga anak. Isang halimbawa na rito ay ang inang si Iya Villania na kung saan ay nakaranas ng ganitong klase ng problema.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Ibinahagi ni Iya na siya ay nagpapasalamat dahil sa pagpapatuloy ng kaniyang trabaho sa kanilang bahay sa kabila ng pandemya.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Ngunit inihayag niya rin kung gaano ito kahirap para sa kaniya na mayroong tatlong anak at sinabi din niya na hindi ganoon kadali ang maaaring maging setup nito sa kabila ng mga hinihingi at kinakailangan sa kaniyang trabaho.

Maging sa pag-intindi sa mga pangangailangan ng kaniyang tatlong anak ay hindi madali para sa kaniya.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram



Sinabi din ni Iya na kahit ang mga taong nanunuod ng 24 Oras ay talagang nasasaksihan ang ganitong pangyayari, na makikita at maririnig ang kaniyang mga anak na nasa likod niya habang nagbabalita siya, may sumisigaw, at minsang maririnig mong may humihingi ng gatas.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Kahit pa sa pagfi-film ng kaniyang isa pang show na Mars Pa More na talaga namang nasasaksihan ng mga manunuod ang kaniyang buhay bilang isang ina kahit na siya ay nagtatrabaho.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Sa kabila ng mga hamon kahit minsan ay mahirap ang mga pangyayari ay nagpapasalamat parin si Iya sa lahat ng mga pagpapalang kaniyang natatanggap.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Isinaad din niya na magkakaiba ang mga nagiging karanasan ng bawat magulang sa kanilang tahanan sa pagkakaroon ng work from home.

Image courtesy: Iya Villania/Instagram

Naisaad din ni Iya na sa kabila ng mga hamong dala na nararanasan ng lahat ng tao sa panahong ito, pinakamahusay parin na makita ang pagiging positibo at pahalagahan ang lahat ng meron tayo at maging mapagmahal at mapagbigay sa ating kapwa.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *